Diether Ocampo, sakit ng ulo ng direktor kaya tsinugi na sa teleserye

Diether Ocampo
Diether Ocampo

Dahil sa “pagkakapatay” sa karakter ni Diether Ocampo bilang George Bustamante sa teledramang “Bakit Manipis ang Ulap?” ay ngayon namin napagtanto na siya pala ang sinasabing sakit ng ulo ng direktor nitong si Joel Lamangan.

Nauna kasing na-blind item na may isang cast member sa BMAU had to go kesa maapektuhan ang buong produksiyon, worse, magdulot ng stress kay direk Joel who suffered a stroke several months ago.

Pero ang pagkawala ni Diether Ocampo sa kuwento ang magiging dahilan siyempre para lumaylay ang kuwento.  In fact, with the entry of Jay Manalo who plays Albero Villafuerte (kapatid ng nasira niyang kapatid na si Ricardo played by Cesar Montano), all the more ay kaabang-abang ang bawat episode nito.

Jay, who’s typecast as a screen villain, also plays a baddie here. An ex-convict, he bosses around sa iniwang distillery ng kapatid in connivance with the scheming lady executive na ginagampanan ni Dindi Gallardo.

Greed for power and wealth ang mag-uudyok sa bagong tauhan sa BMAU played by Jay. Sa mga patuloy na sumusubaybay sa teledramang ito, BMAU airs every Monday, Tuesday and Thursday.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleRichard Yap at Sylvia Sanchez, balik-teleserye
Next articleUpgrade, dinumog ng libu-libong fans sa kapistahan ng Bambang, Nueva Viscaya

No posts to display