Diether Ocampo, tinanggihan sa trabaho

KUNG ANG PANIG ng pamilya Barrameda ang tatanungin, hindi na raw nito kailangan pang magsumite ng reply sa counter affidavit ng pamilya Jimenez sa DOJ.  But for its part, ngayong araw, Martes, ihahain ng mga akusado sa pamamaslang kay Ruby Rose Jimenez ang supplemental affidavit nito, and that is the last step of this whole legal process before the case reaches the proper courts of law.

Umaasa si Rochelle Barrameda, ate ng pinatay na biktima, na susuriing mabuti ng DOJ ang kanilang kaso nang sa gayo’y maibaba na ang resolusyon nito.  Ang tinatawag na resolution ay ang pagdedetermina kung merong probable cause, at mula rito’y magsisimula nang gumiling ang ‘ika nga’y gulong ng hustisya.

Minsan pang hinihingi ni Rochelle ang tulong ng media upang makaagapay ito sa pagtutok ng kaso.  Batid ni Rochelle na hindi basta-bastang pamilya ang binabangga ng kanyang angkan sampu ng kanilang mga supporter.

Nais kong i-assure si Rochelle na sa munting paraan ng pahayagang ito ay makakakita ang kanyang pamilya ng liwanag sa likod ng ulap ng pagdadalamhati.

CLOSE TO HOME, kundi man literal na tahanan ni Diether Ocampo ang pinili niyang venue para idaos ang kanyang munting pasasalamat sa presss sa patuloy na pagsuporta ng kanyang teleserye sa ABS-CBN, ang Only You, kasama sina Angel Locsin at Sam Milby.

Diether chose a Pizza Hut branch but there was more to the actor’s choice of the said venue.

Hindi ikinaila ni Diether na galling siya sa hirap, but all he had was a big dream.  Para matustusan ang kanyang pamilya ay nag-apply daw siya noon sa Pizza Hut, but his application was flatly rejected:  underage raw kasi siya noon.

Thirteen years later, ni sa hinagap daw ay hindi niya naisip na siya pa ang magiging endorser nito, his business relationship with the owner spanning more than a decade.

Read Ronnie Carrasco’s Blind Item: Sexy actress, binugaw ng reporter

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleRadha, ‘di pala girlfriend ni Jomari Yllana
Next articleBlind Item: Sexy actress, binugaw ng reporter

No posts to display