TILA ITO NA ang pinakapinananabikang eleksiyon sa Quezon City. Sino kaya sa tambalang Herbert Bautista-Joy Belmonte at Mike Defensor-Aiko Melendez ang siyang mananalo?
Lahat sila’y kaibigan namin, sa totoo lang. Si Bistek, inaanak ang panganay namin. Si Aiko naman, lahat ng apat naming anak, inaanak niya. Si Joy naman, kahit kelan lang kami nagkakatsikahan ay mabait naman. Si Mike naman, noon pa ay katsika na namin.
Hmph! Sino kaya ang tatanghaling kampeon, kapatid na Raimund?
OPO, KAMI PO’Y sasabak na rin sa pulitika sa 2010. Lalaban po kaming independent bilang Konsehal sa 3rd District ng Quezon City. Last year ay sinimulan na namin ang pag-iikot, kaya maigi-igi na rin ang lagay namin sa survey.
Pero ang mga readers ay walang dapat ipag-alala. Hindi namin gagamitin ang kolum naming ito para i-promote o ikampanya ang aming kandidatura.
Naniniwala kami na hayaan mong ibang tao ang mag-angat sa ‘yo, hindi ang sarili mo.
ILAN SA MGA artistang ang akala ng iba’y tatakbo, dahil panay rin ang tulong sa kanyang kapwa. ‘Yun pala’y hindi naman tatakbo at mananatiling isang “pilontropo” sa abot ng kanilang makakaya.
Sina Diether Ocampo na may Kids Foundation, si Angel Locsin na may “Shop and Share” na auction, si KC Concepcion na national ambassador against hunger ng United Nations World Food Programme, at si Dingdong Dantes na noon pa’y isa nang aktibong nagpo-promote ng lakas ng kabataan.
Hindi pa siguro sa ngayon, pero siguro, sa 2013, baka.
Alam n’yo bang maski si Diether Ocampo pala ay nagtungo na sa Maguindanao para mamahagi ng school supplies sa mga batang nasa evacuation center doon?
Bago pa naganap ang massacre na kumitil sa 59 katao ay nagtungo na roon si Diet kasama ang kasintahang si Reema na ipinagpaalam niya sa mga magulang.
“May mga kaibigan naman kasi tayo sa Mindanao na sumuporta sa atin at nagbigay ng security, kaya hindi naman kami nagkaroon ng problema roon.”
Kitang-kita ni Diet ang sitwasyon ng mga bata roon na parang naubos na yata ang nerbiyos sa katawan sa kaguluhang nagaganap doon.
“Actually, maganda ang Mindanao, hindi lang masyadong nae-explore, dahil nga sa hindi magandang impression ng iba, kaya natatakot na tuloy magsipuntahan doon. Ako nga, given a chance, babalik pa ako uli roon.”
Si Diet ang consistent sa kanyang advocacy na kalingain ang mga kabataan, lalo na ang mga hindi nakapag-aral at naliligaw ng landas.
Bongga ‘yan, Diet. Keep up the good work. And may your tribe increase!
‘Wag nyong kalilimutang makinig palagi sa Wow! Ang Showbiiz!” sa dwiz 882 sa inyong AM band at maririnig din sa www.dwiz882.com, 11-12nn.
Oh My G!
by Ogie Diaz