PAGKATAPOS maging endorser ng beauty product na Skin Magical, may bagong ini-endorse na ulit ngayon si Dimples Romana na kilala rin bilang si Daniela Mondragon ng hit ABS-CBN series na Kadenang Ginto.
Pormal na ipinakilala si Dimples ng Agile Insurance Agency bilang ambassador ng JuanLife Personal Accident Insurance nitong Miyerkules, Nov. 27 sa EDSA Shangri-la Hotel.
Ang JuanLife ay isang digital insurance solutions designed to serve the Filipino family.
Sa ibabayad na P300 or P500 ay magkakaroon na sila ng accident insurance na puwedeng gamitin sa oras ng pangangailangan. Covered ng insurance ang death and injury due to accident and acts of nature.
Ayon sa general manager ng Agile na si Roselle C. Masirag, kinuha nila si Dimples dahil, “Dimples is a relatable brand endorser for JuanLife because she represents our target market: family nurturers who are central in every Filipino family and will do anything to ensure their loved one’s security and success.”
Dagdag pa niya, “ Through technology, Agile brings closer insurance companies’ brands closer to the consumers by making insurance accessible 24/7 through its website www.juanlife.com.ph and through our community-based distribution partners, The JuanLife Kakampi.”
Aminado naman si Dimples na recently lang siya talaga kumuha ng mga insurance para sa kanyang pamilya.
“Siyempre ang uunahin mo muna yung araw-araw na pangangailangan mo kaya hindi ako kaagad nag-invest sa mga insurance. Pero dahil medyo nakaipon na rin ako, nagkaroon na ako ng budget para sa insurance namin,” pag-amin ng aktres.
Pagkatapos ng JuanLife Personal Accident Insurance ay may mga nakalinya pang product endorsement si Dimples. Ganyan siya ka-indemand ngayon pagkatapos sumikat nang husto sa Kadenang Ginto bilang si Daniela.