STRANGE AS it seemed, nakuhang pagsamahin ng Buzz Ng Bayan nitong Linggo sina Dina Bonnevie at Rosanna Roces sa episode tungkol sa mga babaeng nahiwalay sa kanilang mga dyowa.
Between the guests ay wala namang isyung namamagitan sa kanila: past or present. Pero buhay pa rin sa aming alaala ang kuwento tungkol sa kauna-unahang paghaharap nang personal nina Dina at Osang, ‘yun ‘yong nagsisimula nang gumawa ng ingay ang huli.
Halos nagkakaisa kasi noon ang publiko sa pagsasabing malaki raw ang pagkakahawig nina Dina at Rosanna, bagay na kinontra ni Dina saying, “Mas kahawig niya si Lou Bonnevie.”
With or without a tone of sarcasm, ‘yun din kasi ang panahong nalilinya si Osang sa mga run-off-the-mill (read: walang kawawaan) movies ng Seiko Films na puro hubaran.
SA IBANG pamamaraan ipinagdiwang ni Boy Abunda ang kanyang kaarawan (although sa October 29 pa ang kanyang birthday) via his late Saturday night program, ang The Bottomline.
Sa magkasunod na episode, the show has veered away from its series of pork barrel interviews. Sa halip, mas ninais ni Kuya Boy na bigyang-pagpapahalaga ang mga ina at kanilang mga anak bilang pagsulong na rin sa Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation.
Sampung pares ng mag-ina (save for Nini Borja and her daughter-in-law) ang nakapalibot kay Kuya Boy, each of them sharing her stories of struggle, sacrifice and selflessness.
Kilalang maka-ina si Kuya Boy. As always, lagi niyang sinasabi na kakambal ng kanyang tagumpay (o kabiguan, kung meron man) ang kanyang si Nanay Lising.
Kuya Boy never gets tired of repeatedly saying kung gaano niya kamahal ang kanyang ina, a Grade 1 public school teacher in their native Borongan, Samar na naglingkod sa kanyang propesyon sa loob ng halos apatnapung tatlong taon.
In later years, pumalaot si Nanay Lising sa mundo ng pulitika. She got elected vice-mayor. Pero ang usapin din pala ng puilitika ang pinag-ugatan ng tampuhan ng mag-ina.
Kilalang maopinyon si Kuya Boy sa bawat paksa lalo’t meron siyang kaalaman, but because of Nanay Lising’s dissenting views, ang matabil at prangkang Boy Abunda ay tila nagwagayway ng kanyang puting watawat, taliwas man sa kanyang pananaw.
As in any parent and child relationship, there always arise diagreements or differences in opinions, even violent as they can be.
Pero sa bandang huli, both the parent and the child realize na sa kanilang magkaibang perspektibo sa isyu, they are united for a common good.
RESPETO SA kaibahan o respect for diversity ang nakapaloob na aral sa episode bukas ng One Day, Isang Araw na pinamagatang Ang Kuba ng Kalye Trese.
No less than character actress Lilia Cuntapay plays Aling Magda, ang kubang laging nakasuot ng itim na damit, namumula ang mga mata, ayaw sa bawang at asin, may alagang itim na baboy at nakatatakot ang hitsura.
Dahil dito, ang suspetsa ng mga kapitbahay ay isang aswang si Aling Magda. Isang gabi, nawawala ang aso ni Danny na si Casper, kaya sa bisperas ng Undas ay sama-samang hinahanap ng mga magkakaibigan ang nawawalang pet dog leading them to unravel the truth tungkol sa pagkatao ni Aling Magda.
Alamin ang buong kuwento sa One Day, Isang Araw kasama sina Jillian Ward, Milkah Wyne Nacion, Marc Justine Alvarez at Joshua Karon Uy, mula sa direksiyon ni Rico Gutierrez, 6:00-7:00 pm sa GMA-7.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III