IBA SI Ms. Dina Bonnevie kapag nagsalita na siya. Isa siya sa mga favorite subject namin during interviews.
Ilang panahon na rin naman naming nakasasalamuha si Ms. D sa panahon na inilagi namin sa showbiz.
Tawag nga niya sa amin during the late 80’s is “gremlins” dahil bawat kibot niya’t utot, nalalaman namin at naisusulat.
“I really don’t know kung saan ka nagtatago. Baka sa trunk ng kotse ko,” natatawang sabi ni Ms. D noon.
Matagal-tagal din kaming nagkasama sa isang showbiz-oriented talk show na Actually ‘Yun Na! sa defunct RPN 9, kung saan segment writer niya kami.
Para nga daw akong gremlin (isang movie character in the 80’s na basta nabasa ng tubig ay dumadami at uncontrollable).
Sa presscon ng bagong teleserye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon na pinagbibidahan niya Bea Alonzo at Paulo Avelino, naikuwento niya ang isang unforgettable experience sa isang leading man niya in the past (nag-blind item si Ms. D) na nasuka siya sa amoy ng bibig nito sa isang kissing scene nila dahil amoy bagoong na maging siya ay nasuka.
Fast forward, happy ngayon si Ms D. as the wife of Ilocos Norte’s Vice Governor na isang hard-core Ilokano. ‘Ika nga GI (Genuine Ilokano). I’m sure, si Mister mahilig din sigurong kumain ng bagoong na minsan ay nagpa-puke kay si Ms. D sa isang karanasan niya during her early years in showbiz.
As the Vice Governor’s wife, happy si Ms. D sa pagiging understanding ng mister niya. Kung wala siyang showbiz commitment, nasa Ilocos Norte siya with his husband. Kapag may taping naman siya at showbiz commitment, she goes back to Manila to fulfil her commitments.
I am sure na ngayon ay paspasan ang pagte-taping ng serye, most likely mami-miss ni Ms. D si Vice governor dahil mababawasan ang frequency ng pagkikita at pagsasama nila lalo pa’t fulltime public servant ang mister niya at si Dina naman ay magsa-shuffle as an actress at misis ng isang politician.
MULA NANG maaksidente ako, naging habit forming sa akin ang panonood ng mga teleserye ng Kapamilya Network.
Fan na kami ng Mirabella nina Julia Barretto at Enrique Gil. Nagre-react kami sa kayabangan ni Sam Concepcion na maging ang kaplastikan ni Mica dela Cruz ay naiirita kami na gusto kong ilublub ang dalagita sa putikan.
Maging ang lovelife ni Dyesebel (Anne Curtis) at Fredo (Gerald Anderson) na ipinagingitnit ni Liro (Sam Milby) ay napapangiti kami dahil alam ng DreamScape Entertainment kung papaano ang tamang formula para huwag bumitaw ang televiewers.
Ngitngit ako sa kamalditahan ni Cherie Gil at ang kaistupiduhan ni Jake Cuenca sa pagiging mama’s boy na tuloy ang kasamaan ng ugali ng ina niyang si Cherie Gil ay nai-impluwensiyahan siya. Gusto kong sunugin si Ronaldo Valdez sa pagiging sagad sa buto ng kasamaan. Kumbaga, siya ang ubod at saksakan na imahe ng kademonyohan which for me ang ibig sabihin nito’y effective siyang kontrabida sa teleserye.
Naaawa kami kay Coco Martin at Kim Chiu sa mga pinagdaraanan nila sa Ikaw Lamang na tutok na kami sa panonood during weeknights.
Lalo ako naba-badtrip sa pagmamahal na meron si Maja Salvador para kay Jerico Rosales. Kung ako kay Angel Locsin, hindi na ako magma-martir kundi ilulublub ko sa kumukulong mantika si Maja para matauhan sa kagagahan niya.
Ganu’n ang mga teleseryeng Pinoy ng ABS-CBN. Nagre-reflect sa mga kasiyahan, pagkadismaya at pangarap ng bawat Pinoy.
Sa pagtatapos ng The Legal Wife, mami-miss ko ang bangayan nina Monica at Nicole pero tila magiging interesting sa akin ang bagong show nina Bea Alonzo at Paulo Avelino na pamalit.
No wonder mas marami ang manonood ng mga teleserye ng ABS-CBN kumpara sa ibang palabas ng ibang mga TV network.
Reyted K
By RK VillaCorta