MALOKA-LOKA NAMAN kami sa isang basher ni Kim Chiu sa Instagram dahil sobrang foul ang mga words na ginamit nito laban sa actress.
Lunes ng gabi nang mag-post si Kim sa kanyang Instagram account ng pakiusap sa naturang basher na huwag daw idamay ang kanyang namayapang ina kung galit man ito sa kanya.
Sa screenshot na ipi-nost ni Kim ng isang may profile name na ‘Kim Kinarma Kinama Chiu’, sinabi rito ng Kapamilya actress na hindi naman daw bago para sa kanya ang bashers sa Instagram. Ayon sa profile description ng kanyang basher, nakalagay rito ang mga salitang, “Si bankay ay anak ng isang baliw.iniwan ang limang salot na anak dahil sa kakatihan at kamanyakan sa tarugo.kimchiu susunod sa yapak ng baliw na ina.”
Sabi ni kim, “i know bashers are not new on instagram, but this caught my attention… sobra na sya, its ok to hate me i cant control you or tell you to like me.. pero when you say things about my mom iba ang pakiramdam buti sana kung shes still alive pero wala na sya eh wag po sana natin sya e damay nanahimik na sya and you dont know her and dont act as if you know my mom.. sana ayusin mo nalang buhay mo if you hate me then dont waste your time bashing me or visiting my page, spend time with your family nalang and friends who truly love you kasi doon mahahanap mo yung pansin na gusto mo, and it will make u a much happier peson than you are now.. may God bless you po hope you can find inner peace and happiness…”
Kim, I block mo na kaagad yan o kaya i-report mo as spam. Lucresia pala ‘yang babaitang ‘yan, matuk mo litrato pa ng nanay mo ang ginamit sa kanyang profile.
HAPPY NAMAN si Jasmine Curtis dahil ramdam daw nito na unti-unti na niyang natutupad ang pangarap niyang magkaroon ng maraming endorsements just like her Ate Anne. Pangarap daw kasi niyang sundan ang yapak ng nakatatandang kapatid.
Sa panayam namin sa Kapatid star, sinabi niyang, “Kailangan ganu’n. No, pero siyempre, ganu’n talaga, gusto kong maging successful. You have to reach your goal and marami namang taong gustong tumulong sa akin. So as much as possible, do the hardwork para talaga ma-achieve mo ‘yung gusto mong ma-achieve sa buhay. So ‘yun, I’m just happy na meron akong billboard sa EDSA ngayon, ‘di ba?”
Labis din ang kasiyahan ni Jasmine na sa unang round ng botohan para sa best foreign language film ng Oscars ay pumasok ang kanyang unang indie film na Transit. “Sobrang saya ko, first film shown ko to in the public tapos ‘yun nga, sobrang ganda ng feedback from everyone, not just film experts, pero from the public itself. A lot of my friends from overseas naghahanap ng kopya, wala akong maibibigay na kopya siyempre were still waiting for distribution.”
Napaganda rin ang tsansa ng nasabing pelikula nang makatanggap ito ng special citation mula sa Busan International Film Festival. “We are very thankful to get a special citation from Busan and nakikita ko talaga how much (Direk) Paul Soriano and Direk Hanna (Espia) try to make it work na mapili kami. Nakita ko na ‘yung ibang films about the Philippines like “Metro Manila”, ang ganda so even if we’re not get choosen , pero I hope that we do, sana sila ang mapili kasi ang ganda rin ng film nila. Sana pati “Ilo Ilo”, ‘di ba.”
Ang Metro Manila at Iloilo ay mga pelikulang gawa sa ibang bansa na tumatalakay din tungkol sa Pilipinas.
Pagdating naman sa pag-ibig halatang happy naman si Jasmine kahit na hindi pa talaga sila umamin ni Sam Concepcion tungkol sa totoong estado nilang dalawa. May ilan ding kumukuwestioyon sa gender ni Sam. Ano kaya ang masasabi niya tungkol dito? “Wala akong masasabi du’n. Kasi, I mean you know, people talk, people try to create stories pero as long as you know what the truth is, ‘di ba? That’s why I say, sabihin na nila ang gusto nilang sabhihin pero ikaw alam mo naman talaga ang totoo. So, bakit ka pa magiging offended or kailangan mong ipagtanggol ang sarili, ‘di ba?”
Go Girl!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato