NGAYONG TAON na ito ang 25th anniversary ni Dingdong Avanzado sa music industry. At kaugnay nito, he decided to come up with his new album, ang Download under Viva Records, na naglalaman ng mga awiting siya lahat mismo ang sumulat.
“There’s about 15 tracks,” aniya. “Kasama na rin rito ‘yung song na The Moment I Found You. Isinulat ko ito when we got married ni Jessa (Zaragoza). Ito ‘yong naglalakad siya sa altar, gumawa ako ng kanta na iyon ‘yong theme ko. Tapos dito sa bagong album ko, duet kami do’n sa song na iyon.”
Makikita sa mukha ni Dingdong na kuntento at masaya siya sa buhay niya ngayon. Kung sa bagay, ano pa nga ba ang mahihiling niya? Okey pa rin ang takbo ng kanyang singing career. At naging matatag ang pagsasama nila ni Jessa sa kabila ng mga matitinding pagsubok na pinagdaan nila noon.
“Ang nakapagpatatag sa relasyon namin? ‘Yong mga intriga!” sabay tawa ni Dingdong. “Sabi nga nila, kapag may pagsubok, lalong tumitibay. So, I think ‘yong mga pinagdaanan naming mga trials at problema, it helped us become stronger. But what really is significant para sa aming dalawa is… ‘yong faith naming dalawa sa Panginoon, eh. Na siguro kung hindi kami parehong Christian, I don’t think our relationship would have lasted this long. I mean we’re now on our 11th year. It doesn’t seem like eleven years.
“Sa dami ng aming pinagdaanan. May mga issue pa na naghiwalay na raw kami. Or pilit kaming pinaghihiwalay. Or hindi raw kami para sa isa’t isa. But I’m thankful to God because we’re still together. And we have our daughter na isa rin sa nagpapatibay sa relationship namin. She is turning 9 this year. It’s just a blessing to have a family that’s intact. Tapos we have our careers. And we love what we do in our careers. We both love music. Even our daughter loves music. I think that’s also one key ingredient, eh. Na meron kayong isang bagay na pareho ninyong ini-enjoy.”
Bakit hindi pa nasusundan ang unica hija nila?
“Paano kasi, biyahe kami nang biyahe,” nangiting muli si Dingdong. “We’ve been travelling all these years. Alam naman ng lahat na we went to the States for a while. And it’s just hard to raise a family when you’re on the road. ‘Yong trabaho namin kasi as a singer, hindi lang naman kasi kami sa TV, eh. Di ba? Mas more nga kami on concerts and shows. So, it’s really hard for us. Pero kung tatanungin kami, naiisip namin na magdagdag ng anak. Actually iyon nga ang inihi-hint ko sa kanya (Jessa), eh. Medyo naging busy lang kami pareho kasi she’s also doing her album. Halos sabay nga kami. Nauna lang akong maglabas. But I think next month lalabas na rin ‘yong kanya.”
Hindi ba nila nakikitaan ng interes ang daughter nila na maging singer rin o kaya’y mag-artista?
“Sobrang nakikitaan namin ng hilig. In fact sa birthday niya this June, ang gusto niyang party, imbes na usual children’s party, siya gusto niya, mag-concert sa birthday niya, eh. But talking about priorities niya, kailangang imulat muna namin siya sa tamang values at priorities. Na dapat ang uunahin muna niya, pag-aaral niya. ‘Yong showbiz naman, it would be there naman for her, eh. If you’re really talented. We will support her. Kasi she is still in the stage na she’s still developing. Bata pa siya, nakikitaan mo na ng potential. Pero she’s still not where you know she can be.
“Eventually, alam mo na mas malaki o malayo pa ang mararating niya hopefully. So, gusto namin siyang i-encourage na tama ang pundasyon niya. Kasi sinasabi naman sa kanya, huwag kang magmadali anak. Because your time will come. At kapag panahon na niya, gusto namin, handa siya. Na tama ‘yong nailagay naming pundasyon sa kanya.
“Kasi importante iyon, eh,” panghuling nasabi ni Dingdong.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan