FINALLY, NATAPOS na rin ang shooting ng Segunda Mano na movie nina Dingdong Dantes at Kris Aquino. Among the entries sa nalalapit na Metro Manila Film Festival, ang nasabing project ang pinakahuling nakatapos mag-shoot. Pero at least, nakahabol pa rin sa deadline.
At sa MMFF nga nakatakdang maka-salpukan ng movie nina Dong at Kris at ng iba pang entries ang dalawang higanteng pelikula, ang Enteng Ng Ina Mo nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas at ang Panday 2 ni Bong Revilla. Marami ang humuhulang ang dalawang nabanggit na movie ang magiging mahigpit na magkalaban bilang topgrosser sa box-office.
Natanong tuloy namin si Dingdong kung nakakaramdam ba siya ng kaba kaugnay nito?
“Ah, natutuwa ako,” aniya. “Siyempre panonoorin ko rin sila. Masaya na maraming… iba-iba ang flavor na dinadala ng film festival sa atin. Na once a year lang nangyayari. Pero ako, looking forward ako, and I feel very positive and optimistic about the line up this year. Naniniwala ako that there will be certain market or niches for each film. Kumbaga, ito will cater to this crowd… itong isa naman will cater to this crowd. May kanya-kanya siya. And sana lahat mapanood siya.”
‘Yong Segunda Mano is a serious horror film daw. Serious din daw ang role niya rito. Pang-award kaya ito?
“Award? Relative naman ‘yan. Depende sa nag-i-interpret, e.”
Gaano ba kabigat ang kanyang role sa movie nilang ito ni Kris?
“Iba siya. Ito ‘yong role na sinabi ko noon na matagal ko pang gagawin. Pero ginawa ko. Hangga’t maaari, ayokong sabihin kung ano ba talaga ‘yong role ko.”
Ano ‘yong pinakama-bigat na eksenang nahirapan siyang gawin talaga?
“Mahirap? Ano… nahirapan akong saktan si Kris!” sabay tawa ni Dingdong. “Kasi may mga eksenang kailangang medyo nag-aaway kami bilang mag-boyfriend-girlfriend. So may mga time na… natatamaan ko siya ng kamay ko or something. Parang gano’n.”
May kissing scene ba sila ni Kris?
“Abangan na lang nila.”
What’s his plan naman this Christmas?
“I just want to stay home. And, ah, ‘yon lang. Siguro tapos… ‘yong gitna ng Christmas at New Year, gusto kong pumunta sa malayong lugar nang konti.”
Kasama niya ang kanyang girlfriend na si Marian Rivera for sure?
“’Yon!” nangiting pag-sang-ayon ng aktor. “’Yon lang. Gusto naming mag-ano, eh. Gusto naming magpunta sa Boracay siguro. After Christmas iyon.”
Pero ‘yong mismong araw ng Kapaskuhan, he will spend with his family?
“Sa family ko. Oo. Bale sa Christmas eve, sa amin (family niya). Tapos sa Christmas day, punta ako sa kanila (Marian).”
Ipagluluto na naman siya ni Marian?
“Feeling ko, ang iluluto niya… midnight snack,” natawang sabi ni Dingdong. “Hindi. Siguro nakatoka ‘yong pagluluto sa mga nanay-nanay namin.”
May naiisip na ba siyang Christmas gift for Marian?
“Wala pa. Pero siyempre, ah, pag-iisipan kong mabuti iyon.”
Hindi ba mahirap nang mag-isip kung ano naman ang gift niya kay Marian. Para kasing naibigay na halos nila ang lahat ng puwedeng mairegalo para sa isa’t isa.
“Hindi naman. Marami pa. At hindi naman mahirap. Ano eh, hindi naman mahirap i-please si Marian, eh. Kung ano ang maliliit na bagay na gusto niya… mas maganda nga ‘yon.”
Dahil patapos na ang taong 2011, nagsisimula nang magbigay ng kani-kanilang predictions ang mga psychic hinggil sa kung ano ang mga naghihintay na kapalaran o mangyayari sa mga buhay ng ilang artista next year.
Sila ni Marian, hinuhulaan na maghihiwalay daw next year. At meron pang nagsasabi na may iba raw lalaking makakabuntis kay Marian?
“Okey lang!” natawa ulit na reaksiyon ni Dingdong. “So far, hindi rin naman sila consistent. Dahil ilang taon na ring nagkakaroon ng gano’ng hula. Okey lang ‘yon. Kanya-kanya namang hula ‘yan. Kahit ako, nanghuhula rin ako. Na… laru-laro lang, ‘di ba? Pero, ayos lang ‘yon. Ayos lang ‘yon. Nagkataon lang siguro na nanghula sila, eh na-publicize. So, if that’s their opinion, okey ako doon. Basta ang importante, ‘yong commitment at pananalig sa katotohanan at sa Diyos. Iyon na ‘yun. At matibay ‘yong bond ng pagmamahal namin ni Marian sa isa’t isa. Matibay na matibay.”
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan