Dingdong Dantes at Bayani Agbayani, nagkabati na!

DUMALO KAMI sa birthday celebration ni Bayani Agbayani noong Sabado sa isang wellness spa sa may Antipolo at nakita namin kung gaano kasaya at kakuntento si Bayani sa kanyang buhay at karera sa ngayon. Wala na raw siyang mahihiling pa sa Diyos kundi magandang kalusugan para sa kanya at sa kanyang mga anak.

Kinumpirma na rin namin sa kanya kung totoo nga bang okay na sila ni Dingdong Dantes na noong nakaraang taon ay naging malaking balita dahil daw sa diumano’y samaaan nila ng loob ng binata dahil sa girlfriend nitong si Marian Rivera.

Sabi niya, okay na raw sila at nagyakapan na sila ni Dingdong noong MMFF Parade of Stars, kung saan nagsisilbing host si Bayani at si Dingdong naman ay sumampa sa stage sa Quirino Grandstand pagkatapos ng parada upang mag-promote ng kanilang movie ni Kris Aquino, ang Segunda Mano.

Well, all’s well that ends well talaga, ‘ika nga.

NAKAKALUNGKOT MANG isipin na ang ating mga kababayan ay dumaranas ng mga trahedya dulot ng mga kalamidad na dumating sa bansa, nagdulot naman ito ng magandang ehemplo sa karamihan sa ating mga pulitiko at artista upang magkaisa sa pagtulong sa mga sinalanta nito.

Isa sa magandang halimbawa rito ay ang magandang gestures nang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez, kung saan imbes na bumili ng mga mamahaling regalo noong Pasko para sa kanilang mga kaibigan, mas pinili nilang i-donate na lamang ang perang inilaan nila para rito na nagkakahalaga ng isang milyong piso.

Si Eugene Domingo naman ay naglinis ng kanyang closet at nagkusang nagbigay ng mga bagay na maaaring makatulong sa mga biktima ng trahedya.

Ang Wil Time Bigtime ay nagkansela ng kanilang Christmas Party upang ang perang gagastusin sana para sa engrandeng pagtitipon ay ibigay na lamang sa mga biktima ng Sendong. Dinagdagan pa ito ng hosts na si Willie Revillame ng malaking halaga at personal niya itong ibinigay sa mayor ng Cagayan de Oro City.

Si Konsehala Shalani Soledad at ang mga kasamahan nito sa Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela na si Mayor Sherwin Gatchalian at si Konsehal Marlon Alejandrino ay personal ding namahagi ng tulong sa ilang bayan sa Mindanao.

Kudos sa lahat ng mga hindi na namin mabanggit pa na nagpaabot ng kanilang tulong sa mga biktima ng bagyong Sendong.

NAKATANGGAP KAMI ng mensahe mula sa isa sa aming ‘nanay-nanayan’ sa showbiz na si Jobert Sucaldito, at ayon pa sa kanya, malilipat ng timeslot ang kanilang radio program ni Ahwel Paz sa DZMM Teleradyo, mula sa 3PM timeslot nito ay inilipat na ito sa umaga. Starting ngayong Monday, January 9, mapapanood at mapapakinggan na sila tuwing alas-10 hanggang alas-11 ng umaga. Kaya naman masasabi nating sila ang mas maagang mang-iintirga at magbibigay ng mga showbiz balita.

At sa hapon naman, siyempre ang programa naman namin nina Nanay Cristy Fermin, Richard Pinlac, at Elmer Reyes sa 92.3 News FM Radyo Singko at Aksyon TV 41 naman ang maghahandong ng mga latest showbiz balita na kukumpleto sa inyong daily dose of showbiz news. Kaya pakatutukan!!!
Sure na ‘to
By Arniel Serato

Previous articleMelissa Ricks, ‘di pa rin malimutan na ‘iniputan’ siya sa ulo ni Jake Cuenca?!
Next articleGood friends never last? Weh,‘Di nga?

No posts to display