MARAMI ANG nagtatanong sa mahusay na actor na si Dingdong Dantes kung may balak na ba silang pakasal ni Marian Rivera ngayong taon. Pero ayon sa lead actor ng inaabangang pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles, wala pa raw silang balak lumagay sa tahimik at priority nila ang kani-kanilang showbiz career.
Dagdag pa ni Dingdong, darating din ang right time for that, kung para raw sila sa isa’t isa. Masaya at ini-enjoy raw nila ang bawat araw na magkasama sila at mas lalo pa nilang minamahal ang isa’t isa habang tumatagal ang kanilang relasyon.
Ayon nga kay Dingdong, “‘Di pa nakatuon ang isip namin ni Marian sa pagpapakasal. Sa career muna kami. May soap sana akong gagawin, ‘yung “Haram” with Kylie Padilla, kaya lang na-shelve ito dahil sa mainit na issue now tungkol sa isang film against Muslim belief. Si Marian naman, may “Temptation of Wife” with Dennis Trillo.”
As of now, busy si Dingdong sa promotion ng kanyang first international project bilang actor/co-producer ng Tiktik: The Aswang Chronicles na marami na ang talaga namang positibo ang sinasabi ng mga nakapanood na ng trailer nito.
NALUNGKOT ANG Tween star at isa sa itinuturing na Trending Sensation na si Teejay Marquez, dahil na rin sa pagkaka-shelve ng Haram. Nanghihinayang daw kasi si Teejay sa opportunity na makatrabaho ang isa sa hinahangaan nitong actor na si Dingdong Dantes.
Bukod pa sa kung kailan daw malapit nang mag-Pasko ay tsaka naman daw bigla siyang nawalan ng trabaho. Laking panghihinayang ni Teejay dahil maganda ang role na gagampanan nito bilang si Nasser na nakababatang kapatid ni Kylie na isang Muslim sa nasabing soap. Kasama ni Teejay na nalungkot ang iba pang main casts ng Haram like Ms. Lorna Tolentino at Alessandra De Rossi.
Pero nangako naman daw ang pamunuan ng GMA-7 na bibigyan ng kapalit na shows ang mga artistang kasama sa Haram. Gagawa lang daw ng bagong istorya at ipatatawag muli ang mga ito na ikinatuwa na rin ng lahat.
HINDI NAPIGILANG mapaluha ni Kuya Germs Moreno sa kanyang birthday celebration na ginanap sa mismong taping ng Walang Tulugan With The Master Showman dahil sa pagdagsa ng mga artistang malalapit sa puso nito para bumati .
Dumating ang matalik na kaibigan ni Kuya Germs na si Gloria Romero, ang ilang miyembro ng That’s Entertainment sa pangunguna ng award-winning actress na si Glydel Mercado na naghandog pa ng sayaw na labis na ikinatuwa ni Kuya Germs. Dumating din sina Sheryl Cruz, Pops Fernandez, Ms. Roselle Monteverde, Vice-Mayor Isko Moreno, Senator Dick Gordon, Marian Rivera, Derrick Monasterio, Bela Padilla, Bea Binene, Yassi Pressman, Dennis Trillo, atbp.
Naghanda rin ng kani-kanilang production numbers ang casts ng Walang Tulugan na sina John Nite, Shirley Fuentes, Mico Aytona, Jake Vargas, Teeja.Marquez, Rhen Escano, Justine Rosanna, Hiro Magalona, Ken Chan, UPGRADE, Michael Pangilinan, JJ Twins, Raymond Manuel, Joven Moreno, Teenstars, Jack Roberto, Shy , Jacob, Kyle , Vince Yap, Arkin Del Rosario, atbp.
PASOK NA pasok na ang Haruo sa upcoming International Film Festival Manhattan sa November. Ang festival ay gaganapin sa historic Quad Theatre sa 13th Street ng Manhattan, New York from November 7-15, 2012.
Doon na rin ibibigay ang award ng Liberacion na nanalo ng Best Narrative Film last year. Nakakatuwa at napapansin na ang mga proyekto ni Jacky Woo na walang sawa sa paggawa ng mga pelikulang pang-international film festivals. Kakatapos lang niya ng Death March na wala pang playdate.
Siyanga pala kamakailan lang ay nagkita at nagkausap si Jacky at Robin Padilla sa Tokyo. Nagkataong nasa Tokyo ang action star para sa isang promotional show with Sarah Geronimo. Matatandaan na may ginawang pelikula noon sina Robin at Jacky.
John’s Point
by John Fontanilla