IPINARATING NI Dingdong Dantes kay Quezon City Mayor Herbert Baitista ang pagtanggi bilang isa sa senatorial candidates ng Liberal Party.
Siguro napag-isip-isip ni Dong na maaari lang siyang magamit ng naturang partido para makahakot ng tao at mapilitang iboto ang lahat or karamihan ng nasa senatorial candidates.
Sina Bistek at Dingdong kasi ay kasama sa napipisil ng LP para tumakbong senador sa 2016 elections.
Sa pamamagitan ng text message, ipinarating ni Dingdong kay Bistek ang kanyang pag-decline at nag-release na siya ng official statement na nagsasabing wala siyang planong tumakbo.
Nakasaad din sa text message ni Dingdong na wala pa naman daw siyang nakakausap from the Liberal Party about the matter but in any case, gumawa na rin raw siya ng draft tungkol dito.
Ayon pa kay Dingdong, he’s honored to be part of the list, pero nakapagdesisyon na raw siya na walang planong tumakbo at this point.
Bukod kasi sa showbiz career at serving Filipino youth ay naka-pokus ang full attention niya sa misis na si Marian Rivera at sa magiging baby nila.
Nag-post pa nga si Dingdong noong Mother’s Day ng picture nila ni Marian na halata na ang tummy with matching caption na: “I wish to salute you everyday for gracefully carrying our gift. A clear preamble of how you’ll be when that day comes. From today and all succeeding years hereafter, you will be recogniced for this new remarkable designation. I’m proud of you. Happy Mother’s Day! #MyBabies.”
Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo