Inamin din ng aktor na naging emosyonal siya nang makarating sa Jerusalem.
“Grabe, lalo na yung tomb, yung final resting place Niya (Jesus Christ). Di ba, bago Siya mag-resurrect, nakapasok talaga kami sa loob.
“Talagang, oh my God, ibang klase! Kakaibang experience talaga. Tindig-balahibo!”
Naikuwento rin ni Dingdong na normal lang ang buhay ng mga tao sa Israel dahil ang bansa ang isa sa may pinakamababang kaso ng Covid-19.
“Ang Israel, sa ngayon, isa sa pinakamababang kaso ng COVID. In fact, if you ask around, they would say zero cases sila. Kaya ganoon sila ka-strict nang magkaroon ng isang kaso ng Omicron, talagang nag-lockdown sila.
“That’s the reason why muntik nang hindi matuloy yung pageant dahil yung buong bansa, isinara nila sa turista, so mabuti na lang pinayagan nila yon. Very, very strict sila.
”Every two days, nagpi-PCR test kami. Ganoon sila kasigurista pagdating sa health protocols. That’s why kahit papaano, kampante kami na alam namin na yung lugar kung nasaan kami ay very very safe. Pero siyempre, naka-mask pa rin kami all the time.
“Yung mga nakakasalubong nga namin sa kalsada, nagtataka, ‘Bakit kayo naka-mask kasi okay dito?’ Pero siyempre, bilang respeto sa kanila, dahil kami hindi naman tagaroon, parang what if kami ang may dala? So, we still get the mask on.
“Pero nakakamangha na, in a way, normal na yung galawan nila doon. Normal na, nandoon na sila. Social distancing pa rin. In enclosed areas, in some areas, nire-require pa rin nila yung mask,” tuluy-tuloy pang pahayag ni Dingdong.
Ayon pa sa A Hard Day lead actor, nagbabalak ulit sila ni Marian bumalik sa Israel para mabisita naman ang Bethlehem, ang lugar kung saan ipinanganak ni Virgin Mary si Jesus Christ.
“Hindi kami nakapunta sa Bethlehem, pero sa Jerusalem oo. Yung Stations of the Cross, sadly, hindi kami umabot sa Bethlehem kasi limited lang yung oras namin. Babalik kami,” sey pa ng aktor.