SA BIRTHDAY CELEBRATION ni Dingdong Dantes sa Party Pilipinas last Sunday (along with other Kapuso stars na August-born), pormal nang inihayag ang announcement ng usap-usapang international movie ni Dingdong na pinamagatang Dance of the Steel Bars, directed by Cesar Apolinario and Marnie Manicad.
Si Direk Cesar ang nagdirek rin ng Banal ni Paolo Contis, kung saan nagwagi si Paolo bilang best actor sa PMPC Star Awards for Movies (2008), at ang Puntod, kung saan nagwagi rin si Barbie Forteza bilang new movie actress of the year sa same award giving body last year, 2009, at nagwagi rin ang pelikula bilang best picture (digital film category).
Na-shoot na ito ni Dingdong a few months back sa Cebu, particular na sa loob ng city jail. Co-star niya sa pelikula si Patrick Bergin, isang Hollywood actor na naging leading man ni Julia Roberts sa Sleeping with the Enemy.
Dito ipakikita ang buhay ng mga dancing Cebu inmates (dance instructor na nakulong ang role ni Dong sa pelikula), na naging popular worldwide dahil sa YouTube.
Ito nga ang mga nasulat recently na “secret” international film nga na palihim na ginawa ni Dingdong, without much funfare sa local TV talk shows, dahil nasa kontrata umano between the production and cast na hindi muna ito puwedeng pag-usapan o i-leak sa media.
To Dingdong’s surprise, may VTR mismo si Bergin. Aniya, “I’m very thankful. He’s (Dingdong) good in his work. It’s fun… He’s a great actor. Go and see this movie when I come down. You’re going to enjoy. It would be wonderful… “
“Filipino culture through the eyes of a foreigner” ang pinakatema o concept ng istorya ng Dance of the Steel Bars na produced ng Marnie Manicad Productions at Portfolio Films International at ni Dingdong mismo.
Well, ito na nga ang panibagong aabangan ng solid fans ni Dingdong sa kanilang idolo, na nakapagtrabaho na sa isang banyagang aktor para sa isang international movie. Sa pagkakaalam namin, magpi-premiere muna sa ibang bansa bago sa Pilipinas.
“Kung meron lang isang bagay na proud na proud ako eh ‘yung ma-represent ko kahit na papaano ‘yung kultura natin, na makikita nila sa pelikula.
“It’s the chance na makagawa ako ng isang role aside from being a leading man, so talagang excited na akong mapanood nila ito, dahil it’s something about our Filipino culture through the eyes of a foreigner.”
BAGO PA MAN ang pormal na press launching kung sinu-sino ang mga artistang nandoon ngayon sa Thailand na nagte-taping for Survivor Philippines: The Celebrity Edition, nag-leak na ang ilang pangalang kasama sa list.
Naglabasan na ito sa ilang mga pahayagan, blogs and other internet sites. Kumbaga, hindi maiiwasan ang leakage na ito, na natural lang dahil sa modern technology na ngayon.
Kabilang dito sina Michelle Madrigal, model John Hall, product ng ABS-CBN na ngayo’y Kapuso na na si Ahron Villena, at iba pa.
Nakakalokah lang ang narinig naming paghihirap ng mga kalahok na ito, like ang malamok at madilim na lugar ng kabundukan, bukod pa sa limang oras na travel mula sa city hanggang sa liblib na isla.
For Michelle, maganda naman siya’t may talent so sana’y mapansin. Puwede rin siya sa daring roles for a launching film, kung gugustuhin niya, habang bata pa siya. Mahawakan lang ng magaling na director.
Si John Hall, ang sabi’y hindi na raw ito bulol sa Tagalog at mukhang magpu-full blast na rin sa acting. We heard na may natapos na rin itong isang sexy film with sexy actress Paloma. Huling napanood sa pelikula si John sa Fidel bilang arabong nag-sodomize (o “umabuso”) kay Lance Raymundo.
As for Ahron, sa ilang ABS-CBN shows and movies rin naman siya lumabas, pero nanatili itong “one of those” at mabagal ang takbo ng career, dahil marami rin naman talagang kakumpitensiya. Let’s see kung mapapansin siya sa pag-o-ober da bakod niya.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro