Dingdong Dantes, huling project na sa Dos ang pelikula nila ni Angel Locsin?


BLIND ITEM: May edad kesa sa gay TV host na ito ang beki rin niyang lover, but they have broken up not because of their age gap.

Isang kasamahan sa trabaho ang nagbuko ng reason for their separation, within hearing distance pa niya (source) ito ipinangalandakan sa katabing gay TV host.

Natatawa niyang kuwento, “Alam mo ba kung bakit sila nag-break? Wala sa kanila ang ‘top,’ pareho pala silang ‘bottom’ ng dyowa niya!”

Para malinaw lang sa ating mga mambabasa ang ibig sabihin ng salitang “bottom,” ito ‘yung ang mas type na ginagawa ay “papasukin” sa kanyang “kuweba” ang “ahas.”

Sino ang gay TV host na ito? Kabilang siya sa third generation ng pamilyang nalilinya sa iisang larangan.

WE CAN only go as far as comparing the recent Christmas parties for the press hosted by ABS-CBN and TV5.

Magkasunod na idinaos ng dalawang higanteng network ang paraan ng kanilang pasasalamat sa working media. Martes sa Dolphy Theatre ang sa Dos with a “lumiliwanag” concept, kung saan the press attendees were made to don their shining, shimmering costumes.

Miyerkules naman sa Elements @ Centris ang sa Singko with a disco motif spanning the 70s, 80s and 90s.

Both parties were flavoured with entertainment numbers. Pero sa Dos, what thrilled us the most ang version nito ng Deal Or No Deal with the newshens serving as briefcase girls who wore sexy red cocktail dresses. Aliw kami kay (Ate) Mercy Lejarde na babaeng-babae ang itsura from head to toe!

We cannot speak the same for GMA, na matagal na palang in-email ang imbitasyon para sa kanilang press party next week. So, are we invited? Sorry, we couldn’t care less.

STAR CINEMA’S One More Try is Dingdong Dantes’s fourth movie with ABS-CBN’s film arm. Una rito ang two parts ng Kimidora at nasundan ng last year’s Metro Manila film fest entry na Segunda Mano.

OMT — a modern family drama under the direction of Ruel S. Bayani — is Dingdong’s MMFF entry this year, this time with three of ABS-CBN’s most prized possessions, sina Angel Locsin, Zanjoe Marudo at Angelica Panganiban. 

At the same time, mukhang ang OMT na ang hudyat ng ‘di na muling paggawa ni Dingdong ng mga proyekto sa nasabing produksiyon given his GMA affiliation.

Samantala, OMT boasts of many firsts. This is direk Ruel’s first time to field an entry to the festival. Unang pagkakataon ding makatrabaho ni Angel ang director with whom, back in their stint with GMA, she would have chance encounters on the set.

First time din ni Angel na makatrabaho sina Dingdong, Zanjoe at Angelica. Another first is Zanjoe’s taking the all-out serious drama plunge on the wide screen. Admittedly, Zanjoe considers OMT as his biggest, most challenging project as an actor.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleBukod sa ‘lalaki’ sa Enchanted Kingdom, may ‘iba’ pa raw sa Eastwood
Lian Paz, dapat nang magsalita para malinaw ang isyu
Next articleMatteo Guidicelli, pinatunayang ‘di lang siya ‘pretty face’ sa isang indie film

No posts to display