Dingdong Dantes Hurls Vindictives to Showbiz Talk Show Staff

BLIND ITEM NAG-UMPISA. Kalaunan ay tinukoy din na si Dingdong Dantes pala ‘yong sinasabing sikat na aktor na galit umanong pinagmumura ang staff ng isang showbiz talk show na nagpa-schedule for an interview ng isang talk show host sa bahay niya mismo.

Nauna raw kasing dumating ang staff roon. Wala pa si Dingdong. Wala pa rin ang host na mag-i-interview nga raw sa aktor.

Napagdiskitahan umano ng staff ng show na ire-arrange ang pagkakaayos ng ilang mga kagamitan sa nasabing bahay. Pagdating daw ni Dingdong, ikinagulat raw ng aktor ang nangyari at galit na pinagmumura ang staff. Kasunod na eksena nga raw ay ang pagpapaalis niya sa mga ito.

At dahil dito, may mga nagtatanong, nahawa na raw ba siya sa pagiging palaaway at palamura ng girlfriend niyang si Marian Rivera?

In fairness kay Dingdong, sa pagkakakilala namin sa aktor ay hindi siya capable magmura. Magalit, oo. Kahit sino naman, ikakagalit na may biglang makikialam na ire-arrange ang mga gamit sa bahay mo nang walang abiso.

Naman!

DAHIL SA IN-UPLOAD na video sa YouTube na nagpapakita sa isang 6-year old na batang lalakeng   contestant  ng  Willing Willie na umiiyak habang nagma-macho dan-cing sa talent portion, sentro na naman ng mga negatibong puna at pambabatikos si Willie Revillame. Ayaw man niyang maapektuhan, aminado ang TV host na nasasaktan siya lalo pa’t grabe rin ang mga hindi magagandang write-ups na naglalabasan about him  sa  ilang broadsheets nitong mga huling araw.

Feeling daw niya, winasak na ng mga nasabing articles ang pagkatao niya.

“Ang pinakamasakit pa, ginagamit ko raw ang mga mahihirap para sa programa. Ano ba ang nagawa nila sa mahihirap? Ano ba ang ibinibigay nila sa mga mahihirap araw-araw? Kami ang nagbibigay sa mahihirap.

“May mga sumulat na rin sa sponsors namin. Ang gusto nila, mag-boycot ang advertisers. Umaabot na sa gano’n.”

Bukod sa mga nambabatikos na umano’y concerned citizens, nag-react na rin hinggil sa isyu ang Commision On Human Rights at maging si DSWD Secretary Dinky Soliman na ang naging pahayag, “Lima hanggang anim na beses siyang pinasayaw. Na nakikita mong umiiyak ‘yong bata. Na para sa akin, sobrang-sobra naman na panggagamit sa bata para matuwa tayong lahat. Bakit? Para sa sampung libong premyo, ginawa niya iyon para sa pamilya niya.”

Kung basta papanoorin mo lang sa internet ang nasabing video ng bata na nagma-macho dancing habang umiiyak, iba nga ang dating. Parang pinilit ito at tinakot para magsayaw ng gano’n. Pero hindi naman nga gano’n ang kuwento sa likod nito.

Kaya nga ang apela ni Willie, “Hinusgahan na kaagad ako na hindi pa alam ang puno’t dulo. Ipagtatanggol ko naman ang sarili ko. Lagi na lang akong tumatahimik.”

Sa Lunes, ipinatatawag ng MTRCB ang executive producer ng Willing Willie para magpaliwanag sa nangyari. Ang TV5 naman, naglabas na ng guidelines na ipatutupad kaugnay ng paglabas at pagtatanghal ng mga bata sa lahat ng programa nila.

“In fairness sa MTRCB, kay Chairman Mary Grace Poe-Llamanzares, saludo ako sa kanya. Ang sabi niya, iimbestigahan daw muna nila bago sila mag-desisyon. I think that’s the way to do it. Huwag muna ngang maghuhusga, ‘di ba?” naihirit pa ni Willie.

‘Yun na!

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

Previous article‘Oust Willie Revillame!’
Next articleMay sira ang ulo!

No posts to display