MALABO na kayang matuloy ang pagbabalik ni Nora Aunor sa telebisyon?
Naitanong namin ito dahil nabalitaan naming tinanggihan ni Ate Guy ang offer na soap opera ng isang network. Sabi ng aming source, hindi nagustuhan ng premyadong aktres ang tila support role na ibinibigay sa kanya. Bida kasi sa soap na in-offer sa kanya ang isang young actress.
What made it even worse, wala raw speaking lines si Ate Guy sa show. Kasi naman, pipi raw ang role nito. With this, talaga raw inayawan ni Ate Guy ang offer. Feeling niya ay hindi para sa kanya ang nasabing TV show.
Bagama’t marami ang nagsasabing nasira na ang si-nging voice ni Ate Guy ay okay pa naman daw ang speaking voice nito, kaya naman hindi talaga bagay sa kanya ang role na ino-offer sa kanya.
Sabi ng fans ni Ate Guy, this month ay tiniyak ng Superstar ang kanyang pagda-ting sa bansa. Well, let’s wait and see.
TRUE kaya ang tsikang nakalap namin na kaya hindi matapos-tapos ang casting ng Amaya ni Marian Rivera ay dahil kay Dingdong Dantes?
May nakapagsabi sa amin na kailangan pa raw ng approval ni Dingdong para sa gaganap na leading man ni Marian sa nasabing soap. Marami na nga raw nag-audition, pero hindi pa raw nakakapili ang produksyon dahil kay Dingdong. Kailangan daw kasi ay aprubado ng aktor ang gaganap na leading man ng kanyang girlfriend.
Totoo kaya ito? Pakisagot nga, Dingdong.
Kung totoo ito, aba, powerful na pala ngayon si Dingdong. Nagagawa na niyang mamili kung sino ang dapat o hindi dapat na makasama ng kanyang dyowa. At kung hindi naman totoo ito, baka naman inis lang kay Dingdong ang nagpakalat nito.
ABALA si Ogie Alcasid sa bagong project ng OPM, ang OPM@PAGCOR, A Nationwide Search for the Total OPM Performer .
“The OPM-PAGCOR idea came from OPM, pero ‘yung idea na magtulungan tayo came from PAGCOR. Sila ang lumapit sa amin. Paano ba kami makakatulong? Naisip naming, what if we have a contest na puro OPM,” kuwento ni Ogie tungkol sa kung paano nagsimula ang search.
Sabi ni Ogie, hindi ipalalabas sa TV ang contest. “Pero nandoon ang oportunidad para makilala ka, magkaroon ka ng recording contract, ma-kilala ka sa telebisyon, makikilala ang galing mo. I know we cannot reach as far as any network can but we want to go to the grassroots talaga, ‘yung suyurin natin sa kadulu-duluhan ng mundo para makita ng buong mundo,” esplika pa ng dyowa ni Regine.
Sabi naman ni Bong Quintana, AVP for Entertainment ng PAGCOR, magbibigay sila ng suporta sa magwawa-ging OPM performer.
“We will package the most talented artist as the Total OPM Performer. Those who will reach the semi-final round will be given proper music training, exposure and opportunites that will help launch their career,” esplika ni Bong.
Busy rin si Ogie sa People Power celebration bilang commissioner ng People Power Commission. Siya ang mamamahala sa grand concert na highlight ng 25th celebration ng EDSA People Power.
“Mahalaga na siguro ‘yung mga kabataan natin maalala muli or maituro natin sa kanila ang ideals ng People’s Power. At doon naman sa mga tulad nating matatanda, e, balikan natin ‘yung mga alaalang ‘yon. Ano ba ang diwa ng EDSA. Ibalik natin sa puso natin.”
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas