BONGGA ANG naging grand press conference ng pelikulang Tiktik: The Aswang Chronicles na ang bida ay si Dingdong Dantes. Ikaw na ang gumastos ng malaking halaga ng movie na nagkakahalaga lang naman ng P80 million. Yes, big capital nga, pero hindi lang naman si Dingdong ang producer dahil nga nandu’n si Dondon Monteverde at may dalawang bagong produ na masasabing rich.
Bongga dahil nga marami ang na-shock sa bagong hotel na Luxent sa Timog kung saan ginanap ang presscon. Impress ako dahil nga maganda at first time kong makarating sa lugar na ‘yon.
Sa bagong chapter ng career na ito ni Dingdong na actor-produ ay masasabi na ngang malayo na ang kanyang nararating. Mukhang iniiwan na niya ng milya-milya ang kanyang mga kasabayan.
Naniniwala si Dingdong na magugustuhan ng manonood ang kanyang said movie. At hindi malabong mai-market din ito internationally.
Kaya naman malakas ang loob ng mga producer na makakabawi sila dahil nga may quality ang Tiktik .
Ang tanong, nagpaalam daw ba ang mga producer sa publisher ng kapangalang tabloid? Ah, basta, aba-ngan sa October 17 sa maraming sinehan.
BLIND ITEM: Isang rich gay ang nagrereklamo sa isang dating sexy actor at ngayon ay isang character actor dahil nga sa ginawa nitong panggagantso sa kanya.
Nagkaayos ang dalawa na sila ay magkakaroon ng pagniniig sa isang hotel. Omokey ang bading sa gustong presyo ni actor. Kaso nang nasa loob na sila ng kuwarto ng hotel ay biglang nagbago ang isip ni actor.
May biglang tumawag kay actor na kesyo emergency dahil may nangyari raw sa kanyang pamilya. Kailangan niyang umalis ng hotel at saka na lang nila itutuloy ang kanilang pagsasabong sa kama.
Nalokah, si bading dahil nga bayad na niya si aktor ng 50K. Mas nalokah ang bading nang maulit pa ang biglang pagbabago ng isip ni actor. Same story. Kaya, ang ending dalawang beses na nalugi si bading na hindi man lang natikman si actor.
At malinaw pa sa araw na modus operandi pala ng aktor ang ganong istorya. Maraming bading na ang pare-parehong reklamo. ‘Yun na!
Naku, kung kelan tumanda…
NAPAG-ALAMAN NAMIN mismo kay German Moreno na may movie siya na ang may titulong Talo, Tabla, Panalo na siya ang lead role.
Trilogy ang said movie at kasama nga niya sina Boots Anson Roa at Eddie Garcia. Dito rin malalaman kung nakasabay ba si Kuya Germs sa husay ng dalawang bida.
Tungkol ito sa mga Filipino senior citizen. Kaya naman marami ang makare-relate sa movie na ito ni Kuya Germs, sa direksiyon ito ni Neil Buboy Tan.
Isang tumandang natalo sa buhay ang role ni Kuya Germs. Ayon pa kay Kuya Germs, isang balikbayan ang kanyang producer. Naku, I’m sure ipalalabas din ito sa ibang bansa.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!