BLIND ITEM: SA isang bayan sa Rizal ginagawa ang taping ng isang teleserye. Sumasabay na rin ang seryeng ito sa paseksihan.
Dahil siyempre, malayo ang location, ang daming nanonood ng shooting. Isang kaibigang taga-roon ang nagtsika sa amin na pinagagalitan ni directed by ang kanyang bida.
Baket?
“Eh, kasi nga, ang mga eksena eh, paseksihan, ‘di ba? Ang nakakalokah, naka-two-piece na ‘yung ibang kasama, naka-short shorts pa ‘yung mga lalake, samantalang ‘yung bida, naka-kamison.
“Eh, narinig ko lang ang director, ang sabi, ‘Juice ko, anak, puro na lang kamison ang isinusuot mo? Kelan ka ba magpapapayat para makapag-two-piece ka na?
“Nagtataka na ang mga televiewers kumbakit ikaw lang ang naka-kamison, eh ikaw itong bida?”
Sey ng aming source, “Eh, truelalash naman, ate. Ang lola mo, mataba ngayon. In love ba talaga siya kay (name ng isang young actor) at ‘yun ang nagpapataba sa kanya?”
That we don’t know. Mapanood nga nang may mai-comment nga kami kung true ang claim ni Direk.
DAMING KUMUKUWESTIYON SA pagpanalo ni Dingdong Dantes when he won the Best Drama Actor (for Stairway to Heaven) sa Star Awards for TV.
In fairness to Dingdong, kahit ‘di naman siya acting na acting doon ay hindi pa rin naman matatawaran ang kanyang kakayahan sa pag-arte.
At it’s about time naman na seryosohin na siya bilang aktor, dahil noon pa ay puro Male Star of the Night lang ang kanyang nakukuha.
Saka mababawi pa ba ang award eh, ninanamnam na naman ni Dingdong ngayon ang kanyang award?
“We cannot please everybody naman, eh. Opinyon nila ‘yan. Basta ako, I’m thankful for this award dahil finally, I got it na!”
‘Wag na ring intrigahin kumbakit mas tinalo pa si Richard Gutierrez ni Dingdong porke unang nagka-acting award si Dingdong. Magkaiba naman silang dalawa.
Saka kung hindi pa panahon ni Richard ngayon, wait, wait lang naman ang proseso ng buhay, ‘no! Talo ka ‘pag nainip ka.
Ang importante, ‘wag masyadong magpataba si Richard para hindi siya sumunod sa yapak ni Raymond sa katabaan.
Kaya nga nagpataba si Raymond, para ma-identify agad kung sino si Richard o si Raymond, eh.
Sayang ang magandang mukha ni Richard kung tataba siya. Matinee idol pa naman siya, tapos, mataba siya, ‘di ba?
Kahit kami ang manager niyan, kami mismo ang mag-e-enrol sa kanya sa gym, dahil gusto naming maging katakam-takam siyang muli sa paningin ng mga fans.
PAUBOS NA ANG ibinebentang tickets para sa “Happy BreastDay, Marissa Sanchez!” na gaganapin sa Zirkoh Morato on November 27, 2010 (with guests: Toni Gonzaga and Piolo Pascual).
Kaya naman pukpukan ang rehearsals ni Marissa para masulit ang ibabayad ng mga taong manonood.
Sa mga wala pang tickets (P1,000 at P600), tumawag lamang sa 0922-8398877. Nag-enjoy na kayo, nakatulong pa kayo sa mga breast cancer patients na itinataguyod ng Philippine Foundation For Breast Care, Inc.
Oh My G!
by Ogie Diaz