MAS TUMINTINDI pa ang pagkaka-link ni Lovi Poe kay Rocco Nacino na leading man niya sa panghapong serye ng GMA 7 na Yesterday’s Bride. May balita kasing talagang break na raw ang aktor at si Sheena Halili na naging karelasyon umano nito for two years.
Marami rin nga ang nakakapuna sa sobrang closeness nga nina Rocco at Lovi ngayon. May mga pakakataon pang lumalabas sila together kaya lalo tuloy naghihinala ang marami na baka nagkakamabutihan na nga sila.
“We’re really really close,” nangiting paglilinaw naman ng aktres. “Siguro dahil nagdya-jive ‘yong personalities namin. Parehas kaming mababaw. Mga simpleng bagay, sumasaya na kami. It’s nice that I got finally to work with him again.”
Career muna talaga ang gustong bigyang priority ni Lovi. Sa ngayon, bukod sa taping ng Yesterday’s Bride at regular appearance niya sa Party Pilipinas every Sunday, sinu-shoot din niya ang pelikulang The Bride And The Lover kung saan kasama niya sina Jennylyn Mercado at Paulo Avelino.
This coming Valentine’s Day, wala ba siyang ka-date?
“Wala. Valentine’s will just be an ordinary day for me. Naks!” natawang sabi ni Lovi.
“Lets’ see. Magdi-disappear siguro ako sa Valentine’s Day!” biro pa niya.
Suppose may magyaya sa kanya ng date?
“I don’ know, eh,” nangiti niyang sagot. “I really don’t know. Mahirap sagutin ‘yan. Baka nga may taping kami ng yesterday’s Bride no’n.”
So sila ni Rocco pala ang posibleng magkasama on Valentine’s Day?
“Baka do’n na lang kami lahat mag-date sa set!” natawang biro pa ni Lovi.
BAKIT KAYA tamad na tamad magpa-interview si Dingdong Dantes. Sa Party Pilipinas kapag may TV crew o miyemro ng media na ina-approach siya for an interview, todo ang kanyang pag-iwas.
Sasabihin niya… magbibihis lang. Tapos paglabas ulit ng dressing room… sandali lang daw dahil isasalang na siya.
Siyempre mega-wait naman ang nagbabakasakaling ma-interview ang aktor. Only to end up na after ng show… wala na si Dingdong. Tumakas na.
Kahit daw may ipinu-promote na project si Dingdong, gano’n ang attitude niya sa mga gustong mag-interview sa kanya. Sa presscon lang siya puwedeng ma-interview.
Ganyan?
LAST JANUARY 21, ginanap ang oathtaking ng bagong pamunuan ng Philippine Movie Press Club (PMPC). Si Senator Jinggoy Estrada ang naging panauhing pandangal at inducting officer sa nasabing pagtitipon.
“Sa dinami-dami ng mga artistang nakapuwesto na laging gumagawa ng pelikula, ako’y madalang nang gumawa ng pelikula pero ako ang napili nila, isang malaking karangalan at ako’y natutuwa,” aniya nga.
Eight session
days na lang sila sa Senado and they will be having a four-month break. Naka-set na raw ang mind niya na tutulong siya sa pangangampanya sa anak niyang si Janella na tatakbong konsehal sa San Juan City, at sa kanyang amang si dating Pangulong Joseph Estrada na kakandidato namang mayor ng Maynila.
Si Nora Aunor na dati’y nakasamaan ng loob ni former President Erap, balitang may nasabing willing daw itong mag-campaign para sa kandidatura ng huli. Nangiti si Senator Jinggoy nang matanong hinggil dito.
“Everybody naman is welcome to help former President Estrada to become the next mayor of the city of Manila. Eh, lahat naman ng tulong, kailangan natin,” maikling nasabing reaksiyon na lang niya.
Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan