“OF COURSE! Inuumpisahan ko na ‘yung bagong show ko sa GMA-7 and were working on it. Pinaghahandaan naming lahat para maganda at may bago akong ipapakita sa mga manonood.” Ito Ang naging pahayag ni Dingdong sa tanong kung isa pa rin ba siyang certified Kapuso.
Dagdag pa nito, “Abangan na lang nila, ginagawa namin na mas mapaganda pa at kakaiba sa mga nagawa ko nang project sa GMA-7.”
Pero bago raw umpisahan ni Dingdong ang kanyang next project sa GMA-7, busy siya sa promotion ng kanyang firts indie film, ang Dance of the Steel Bars, kung saan ilan sa aabangang eksena ay ang kanyang dance sequence kasama ang Cebu inmates na hindi lang sikat sa bansa kung hindi maging sa ibang bansa.
Puring-puri nga ni Dingdong ang mga inmate dahil very professional daw at masarap katrabaho ang mga ito.
“Nu’ng ginagawa namin ‘yung sayaw, feeling ko parang wala kaming pinagkaiba sa isa’t-isa. Although lagi na nilang ginagawa ‘yung sumayaw, ako medyo ngayon na lang ulit, ilang araw ko lang inaral ‘yung sayaw, pero okey na okey, iba ‘yung experience.
“Masarap silang katrabaho, magagaling sila, very professional. Makikita mo sa kanila ‘yung dedication sa trabaho. Nag-enjoy akong kasama sila, maganda ‘yung samahan namin,” pagtatapos ni Dingdong.
FEELING NABABASTOS daw si BB Gandanghari everytime na may tumatawag sa kanyang Rustom Padilla. Hindi niya raw alam kung niloloko siya o nagbibiro ang ibang taong nakakakita sa kanya.
Sa hitsura niya raw ngayon, bakit kailangan pa siyang tawaging Rustom, dahil hindi na naman daw siya si Rustom kung hindi si BB Gandanghari?
Ito ang naging pahayag ni BB nang makausap namin sa Studio 6 ng GMA-7 New Bldg. sa taping ng Walang Tulugan With The Mastershowman.
“I feel offended kapag tinatawag nila akong Rustom! Hindi ko kasi alam kung niloloko ako ng tao, kapag tinatawag nila ako sa dati kong pangalan.
“Sa hitsura ko naman kasi ngayon, ibang-iba kay Rustom noon. Kaya bakit nila ako tatawagin sa dati kong pangalan?
“Mas maganda sigurong tawagin nila ako sa pangalan ko ngayon, sa kung ano ako ngayon, kaysa sa matagal nang wala.
“Minsan nga hindi ko alam kung niloloko nila ako, binibiro o binabastos ng mga taong tumatawag sa aking Rustom. Ayoko kasing binibiro ‘yung kung ano ako ngayon. Seryosong bagay kasi ito, alam na naman ng lahat kung sino ako at hindi ko naman ‘yun tinatago. Kaya nga mas gusto kong BB ang itawag sa akin at hindi ‘yung sa dati kong pangalan.
“Lagi ko namang sinasabi sa mga interviews ko na wala na si Rustom. I’m BB now, kaya naman please lang, call me BB not Rustom!” Pagtatapos ni BB.
LAST YEAR, the Philippines was made proud and received accolade for being the “Country of the Year in Male Pageants” after our male representatives brought home honor in world’s most recognized pageants!
These victories have restored the confidence in the male pageant industry, much in the sense that more than the Filipino physique, the Filipino Male Persona is truly competitive and world’s best!
“This year, the eyes of the international male pageant community are keen and focused on who will be the Philippine representatives in Male Grand Slam Pageants. Twenty Four of the country’s most dynamic men were presented to the media at the exquisite Sky Lounge of Lancaster Hotel – the official residence of Mister International Philippines 2013.
“Produced by Prime Events Productions Philippines Foundation Inc. and Lancaster Hotel Manila, the National Search is the grandest celebration of Talent, Generosity, Honor and Diversity as we gather the most dynamic men of the country all over the archipelago,” ayon na rin sa pamunuan ng MIP .
Sa theme na “Heritage”, ang national finals ay gaganapin sa Fi-Oil Flying V Arena sa City of San Juan sa June 21, 2013. Bago mag-finals, ang Swimwear, Regional Costume at Pre-Pageant ay gaganapin sa iba’t ibang venues, making Mister International Philippines truly a national event.
Samantalang ang Pre-Pageant ay ginanap kamakailan sa Lancaster Hotel Manila – MIP 2013 official residence. Bibisitahin din ng mga MIP Contestants ang National Museum at Corregidor Island – World War II’s most important harbor defense in the country.
John’s Point
by John Fontanilla