TILA MASUSUNDAN na ang baby nina Dingdong Dantes at Marian Rivera na si Zia.
May mga request na ang mga parents nya at sa poder ni Marian na gusto na nila magka-apo.
Close ang pamilya nina Dong at Yan, reason kung bakit tuwing Sunday, kung hindi kina Dingdong ay sa haybols sila mag-anak kina Marian.
Tradisyonal si Dingdong. Noong hindi pa sila kasal ng misis niya na si Yan, naka-ugalian ng dalawa na tuwing Sunday, they spend their Sundays sa bahay ng mom ng aktor or kina Yan.
Kuwento ng aktor who plays the role of the 2nd son (Bryan) na magkakaroon ng conflict with his Kuya Allan (played by Aga Muhlach), dahil sa status differences nilang dalawa kung saan Dong is a successful person than his Kuya Allan na naiwanan lang sa probinsya nila to take care of their family business at sa pagaalaga ng kanilang may sakit na ama played by Ronaldo Valdez.
“Ang sa amin, tuwing Linggo nandon kami sa bahay ng mommy ko. Kahit hindi pa kami kasal ni Yan talagang nandon kami every Sunday. Pero ngayon kahit meron na kaming sariling pamilya tinutupad pa rin namin ‘yung promise na ‘yun pati na din sa family na rin ni Marian.
“Every Sunday nandon din siya, siguro as Pinoy ‘yun ang araw na available lahat ‘di ba at ‘yung pamilya naman namin tatatlo lang kami so mas maganda na makisama kami doon sa mas malaking pamilya,” kuwento ng aktor sa press launch ng kanyang pelikula sa Star Cinema na “Seven Sundays”.
Sa naturang event ay tila may pahaging na rin ang na aktor na masusundan na ang anak nila na Marian na si Zia.
Ang mga in-laws ng dalawa (both sides) ay naghahanap na ng kapatid ni Zia. “They want another apo,” sabi ng aktor.
Sabi ni Dingdong: “Hindi mo talaga mapaplano, pero siguro bahala na kung ano ang ibigay,” pertaining kung girl or boy ang next baby nila ni Yan.
Ang huling pelikula ng aktor ay ang box-office hit na “The Unmarried Wife” noong 2016.
Sa Seven Sundays, bukod kay Kuya Aga niya, na inamin ni Dong na idol niya noong bata pa siya (na nasundan ng tawanan), makakasama din ng dalawa sina Cristine Reyes at Enrique Gil sa pelikulang directed by the box-office director Cathy Garcia-Molina mula sa Star Cinema na showing na bukas, Oct. 11 sa mga sinehan nationwide.
Reyted K
By RK Villacorta