NAGBABALIK ANG “Kubot :The Aswang Chronicles” kung saan natapos sa “Tiktik.” Isa na ito francise at magsisilbing comeback ng GMA Films, bilang isa sa mga producers ng pelikula ng Reality Entertainment at Agosto Dos.
Ang sequel na Kubot ay magaganap dalawang taon matapos ang trahedya at sa Maynila na ang setting. Si Macoy, ang main character na ginagampanan ni Dingdong Dantes na isa rin producer ng nasabing pelikula. Makakalaban ni Macoy si Doms, sa kakaibang pagganap ni KC Montero.
Ipapakilala ng pelikula ang bagong uri ng aswang, ang kubot. Ito’y uri ng babaeng aswang na mahaba ang mga buhok. Asawa sila ng mga tiktik ng Pulupandan na ang kapangyarihan ay ang pag-morph ng kanilang mahabang buhok na parang tentaclesna ginagamit para mapisil ng todo ang laman loob ng mga biktima ay lalabas na lang ito na parang gel. Ang pangunahing kubot ay gagampanan ng versatile actress na si Elizabeth Oropesa.
For the first time, super challenging ang kontrabida role ni KC sa Kubot. Kailangang extra effort ang pagpo-portray niya bilang aswang para maging makatotohanan ang kanyang pagganap. Kahit hirap mag-Tagalog, nabigyan niya ng justice ang role. Sabi nga ni Direk Erik Matti, “Ginawa na lang namin na Taglish ang mga dialogue ni KC para relax siya.”
At first, may kaba’t takot si KC, kung tatanggapin niya ang role. “Thanks for bringing me to life… I’m afraid for the big role in the movie, thanks to Direk Erik to deliver my lines in Taglish.”
Tinanong din kay Direk Erik ang controversial issue na namagitan sa kanila ni Lovi Poe na dapat sana, kasama sa Kubot. “Huwag na lang nating pag-usapan ‘yun, nasabi ko na ang dapat kong sabihin sa facebook, tapos na ‘yun. Ang mahalaga ay ‘yung proyekto, nangyari na…” say ng director.
Worth it ba naman ang pinalit nila sa role ni Lovi si Hanna Ledesma? “She did justice for the role. Napaka-professional ni Hanna, always on time sa set. Wala kaming regrets na siya ang kinuha namin for this project,” sambit pa ni Direk.
Siyempre, very proud si Hanna dahil sa dinami-rami na mapagpipilian para ipalit kay Lovi, ang ex-beauty queen ang nakuha. “Thanks to Direk Erik Matti, Dingdong and Dondon Monteverde for the biggest break na ibinigay nila sa akin. First movie ko ito at pang-festival pa, marami akong natutunan sa buong production. Ang buong cast, very supportive sa akin, inaalalayan nila ako in every scene,” turan ni Hanna.
Nagpamalas naman ng kakaibang action stunt si Isabelle Daza sa mga fight scene nito sa mga aswang. Humanga sina Direk Erik at Dingdong sa skills na ginawa ng actress. “Hindi alam ni Mommy (Gloria Diaz) na may mga action scene ako rito sa Kubot, hindi niya ako papayagan. Sinabi ko sa kanya after na makunan na ‘yung scene. It’s a different adventure, it’s worth doing it,” sabi niya.
Kilala natin si Lotlot de Leon as a dramatic actress. Pero rito sa Kubot, napasabak siya sa comedy with Joey Marquez. “In this film, comedy ako ngayon with Joey. Natatawa ako sa mga eksena namin. Ngayon, nagawa ko na ang lahat sa drama, kailangan ninyong abangan ang pagiging comedian ko.”
Pointers na ibinigay ni Direk Erik kay Joey? “Huwag kang umarte, ‘yung natural. ‘Yun ang natutunan ko kay Direk,” aniya. Magkaka-award daw ang actor/politician sa pelikulang ito dahil sa kakaibang performance na ipinakita niya. “Mas matutuwa ako kung panonoorin ng mga tao ang pelikula nating Kubot.”
Kahit mag-aasawa na si Dongdong, tuloy pa rin ang pagpo-produce niya ng pelikula. Katwiran niya, “Mas kailangan ko ngayon dahil magkakapamilya na ako. ‘Yung future ng magiging anak mo ang at family ang magiging priority mo na sa buhay.”
Nag-i-expect ba ng award si Dingdong sa Metro Manila Film Festival this year?”Mayroon o walang award, masaya ako. Ang maganda, hindi nagko-concentrate sa drama, lahat puwede kong gawin. Tulad dito sa Kubot, it’s an action adventure film,” paliwanag ng actor. May plano sila maging mala-Panday film series ang The Aswang Chronicles.
Ayon kay Dondon Monteverde, 8 months in the making bago natapos ang pelikula at ang production budget, umabot ng 75 million. It’s a long journey para kay Dingdong, worth it naman daw nang mapanood nila ang Kubot: The Aswang Chronicles. Ang pelikula nila ay action adventure, hindi horror film tulad ng Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin, paliwanag ni Direk Erik.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield