DINGDONG DANTES, MAY ‘BAGO’ SA KANYANG CAREER!

MAY MOVIE OFFER ang bagong tatag na Revolver Studios ni Dondon Monteverde at managing partners nito na sina directors Erik Matti and AF Benaza sa premiere actor na si Dingdong Dantes.

Ito ay isang action-horror-adventure entitled Aswang Chronicles, isang bago sa career ni Dingdong dahil lately ay pawang sa mga romantic comedy natin siya napapanood, with his movie last year (2010) na You To Me Are Everything with Marian Rivera, then, kasama rin siya sa Kimmy Dora na isang all-out comedy naman, released noong 2009.

Ngayong 2011, kung magkakasaraduhan ang manager ni Dong na si Perry Lansigan at ang grupo ni Dondon, may bagong aabangang pelikula ang fans ng GMA-7 hunk.

Si Direk Erik Matti rin ang siyang magdidirek ng Aswang Chronicles at first time nina Dong at Direk Erik to work together, kung hindi kami nagkakamali.

Mga 4-5 years ring nag-concentrate sa pagggawa ng TV co-mmercials si Direk Erik, at ngayong 2011 nga’y may grand comeback ito in doing films. Si Dondon naman ay anak ng Regal Films matriarch Mother Lily Monteverde, kaya bonggacious ang nakikita naming pag-”bulaga” ng bagong film outfit sa industriya.

Sa Aswang Chronicles, gaganap si Dingdong sa isang offbeat role na lasenggero na eventually ay magi-ging “hero” sa kuwento. Makakasama niya dito si Joey Marquez. Hinahanapan pa ng babaeng gaganap bilang asawa ni Dong sa pelikula.

Natatandaan naming sagot ni Dong sa idea kung bakit hindi sumubok na gumawa ng makabuluhan o magandang indie film, with the description na ang isang “indie” ay hindi gawa o produced ng isang major film outfit, ang sagot nito’y dapat daw ay ‘yung malaki pa rin in terms of concept.

May isa pang in the can film si Dingdong, ang Dance of the Steel Bars with international actor Patrick Bergin. Nasimulan na ito last year, pero may ilang scenes pang kukunan back in Cebu, kunsaan nag-shoot si Dong with the Cebu inmates, directed by Cesar Apolinario and Marnie Manicad. Kasama naman niya dito sina Ricky Davao, Joey Paras, Kathleen Hermosa, Mon Confiado, among others.

Sa ngayon ay abala lang ang aktor sa taping ng I Heart You Pare with Regine Velasquez ng GMA-7 kung kaya’t bago namang “treat” ni Dong sa kanyang mga tagahanga ang isang action-horror-adventure na pelikula, ang Aswang Chronicles.

KABUGAN DIN ANG limang direktor sa directors showcase category ng upcoming Cinemalaya Philippine Independent Film Festival 2011 na gaganapin sa July sa CCP theaters.

Pasok sa kategoryang ito ang mga nakagawa na ng mahigit tatlong pelikula, at nag-start nga ito nun’g nakaraang taon. Now on its 7th year, papalago na nga nang papalago ang Cinemalaya, at mas marami nang mainstream actors ang nais maging part ng taunang indie filmfest.

Maglalaban-laban sina Mario O’Hara, Joel Lamangan, Jeffrey Jeturian, Adolf Alix, at Auraeus Solito.

Beterano na’t award-winning directors sina Direk Mario, Joel, at Jeffrey, although mas nauna sa movies sina Direk Mario at Joel, pero hindi rin matatawaran ang husay at kalibre ni Direk Jeffrey with his track record sa movies.

Ang pagdating naman ni Direk Auraeus via his Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros noong 2005 (na isa nang modern gay classic film) ay bonggacious. Si Direk Adolf naman ay mabilis magtrabaho kung kaya’t siya yata ang may pinakamaraming indie films (na may sense) na nagawa in the past five years or more.

Direk Mario has Henerala (wor-king title) Iikot muna daw sa life and love story nina Gabriela at Diego Silang, at may part 2 raw next year, at ito na ang digmaan. As per Direk Joel, may star value na naman ang kanyang entry na Patikul. Tungkol ito sa illigitimacy and terrorism sa Mindanao. Ang Bisperas naman ni Jeturian ay isang family dram.

As for Auraeus, dream come true raw for him ang Busong (Palawan term for “karma”) na kinunan pa niya all the way sa kanyang native land na Palawan. Si Adolf naman ay kakaiba rin ang tema ng pelikula, entiled Isda, tungkol sa isang babaeng taga-Malabon (kababayan pa namin) na nagsilang ng isang isda!

Pagandahan at patalbugan ang limang directors, huh!

For feedback, please email us at [email protected].

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

Previous articleTULUY-TULOY ANG SUWERTE… AI-AI DELAS ALAS, TRUE LOVE NA LANG ANG KULANG!
Next article‘AKSYON TV’ NG TV5, HINAHARANG NG ABS-CBN?!

No posts to display