MAGBUBUKAS NA ang most credible original artista search on television, ang Starstruck ng GMA 7. Ito’y para sa new generation of the future stars on September 7 (Monday-Friday before 24 Oaras). Hosted by Primetime King Dingdong Dantes and Miss World 2013 and Starstruck Season 2 Avenger Megan Young. Ang magbibigay naman ng update about the hopefuls’ series of artista challenges are Starstruck alumni: Season 1 Ultimate Male Survivor Mark Herras, Season 5 Second Prince Rocco Nacino, Startruck Kid First Prince Miguel Tanfelix and Season 4 Ultimate Survivor Kris Bernal na magiging social media correspondent.
May pressure para kay Dingdong ngayon dahil hindi lang siya host ng Starstruck, judge rin ito at the sametime. “Oo nga kasi dati kapag mayroon akong gusto, ayaw kong mawala ito na sa tingin ko mananalo. Sa akin lang ‘yun, sa sarili ko lang ‘yun. Magmula noon palaging tama ako, 80 percent tama ako.”
Ngayong judge na nga si Dingdong malalaman ng ng viewing public kung sino sa mga contestant ng Startruck ang gusto niya. “Ibig sabihin malalaman ninyo na kung ano ang nasa utak ko na mapapalad. Pero siyempre mas mahirap ang pagdaraanan nila ngayon.”
This time naka-focus ngayon si Dingdong sa artista search ng Kapuso Network dahil wala naman siyang entry sa Metro Manila Film Festival this December. “Startruck ngayon ang aking aatupagin because maganda rin ‘yung preparation na kailangan talaga ako sa November sa panganganak ni Marian (Rivera). At least, I will just be around, hindi ‘yung kailangan kong pumunta sa ibang lugar. ‘Yung bang madali akong ma-reach. Hindi tulad nang last year, busy talaga ako. Preparation sa wedding, may filmfest at may soap, pero na-survive ko naman,” aniya.
Palibhasa ini-enjoy pa rin ni Marian ang pagtratrabaho kaya pinagbibigyan siya ni Dingdong. Katuwiran ng actor, “Huwag lang masyado. Minsan nakita ko siya du’n na nagtatatalon. Sabi ko, kapag sa susunod na nakita ko siyang nagtatatalon du’n, susunduin ko siya. Relax lang, hanggang kaya, hanggang puwede. Sabi naman ng kanyang doctor at sabi naman ng kanyang katawan, okay pa naman siya. So, kung saan siya masaya, todo-support ako sa kanya.”
Super excited na si Dingdong sa first born baby nila ni Marian. May naisip na pala silang pangalan para sa kanilang baby. “Gusto niyang sabihin ang name ng magiging baby namin sa kanyang baby shower. Hindi ako involved, may sarili silang pamamaraan kung papaano gagawin. Sabi ko, bahala na kayo, basta mag-enjoy kayo. Lahat ng mahalagang tao ay nandu’n para ma-witness ‘yung revelation ni Marian at siyempre para magpalitan sila ng mga kuwento at paalala sa pagiging isang parent.”
Napagkasunduan pala nina Dingdong at Marian na normal procedure ang panganganak ng actress. “Gusto naming gawin lahat ng paraan pero in a natural way. So, pinag-uusapan pa naman ‘yung specific. Definitely, we’ll do everything para inform kami pareho kung ano ‘yung mai-expect, ‘di ba? Palaging prepared pagdating sa mga bagay na ito.”
Nasabi pa ni Dingdong na kung ano ang paniniwala ni Marian sa pamahiin, nirerespeto niya ito. Kakaibang feeling daw ang pakiramdam niya na magiging tatay na siya. “Kung minsan nga hindi ako makatulog, ganu’n. I feel bad that I will have to leave for more than a week. Nand’yan ang mommy niya, nand’yan ang mommy ko, para siguruhin na bantayan siya.”
Hindi itinanggi ni Dingdong na nand’yan pa rin ‘yung mga politician na kino-convince siyang pumasok sa pulitika sa 2016 elections? “May mga kaunting opinion ng iba’t ibang tao. Naging firm na rin naman sa sarili ko, I will stick to that. Siyempre sa trabaho ko, mayroon kaming mga kailangang matapos na tungkulin na ayaw naman naming mabahiran ng kahit anong pulitika, dahil ang kasagutan namin ay sa batang Pilipino. That is why, we have to insure na matapos ‘yung trabaho namin, like what I said, my term will end 2017. From now and then, kung ano man ang mangyari, ang focus ko ngayon matapos talaga at masilbihan nang maayos ‘yung constituents ko.”
Kung sinumang pulitiko ang mapili ni Dingdong na suportahan, 100 percent niyang ibibigay ang kanyang trust. Pahayag ng actor, “Definitely, that day will come when we cast our vote. So from now until that day, I think it’s better na suriin muna nating nang maayos. Tignan muna ang mga option kung sinu-sino nga ba sila. Let’s make it issue-base at hindi lang ‘yung sinasabi at dinidikta ng ating emosyon. Sa panahon ngayon, it’s all about responsible, responsible voting. Ayaw nating sisihin ang sarili natin dahil tayo rin naman ang may kagagawan. Right now, ang mahalaga sa akin ‘yung family at baby namin ni Marian. Hindi ko muna iniisip ang mga bagay na ‘yan. It’s not my immediate plan,” paliwanag niya.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield