TULOY NA ANG pagsasama sa isang pelikula nina Dingdong Dantes at Kris Aquino ngayong 2011.
Ito ay pagkatapos magkaroon ng kaun-ting hadlang o problema technically sa ilang mga bagay-bagay, na naayos naman eventually – on the movie contracts of both of Kris and Dingdong.
Na-tweet din ang confirmation na nag-meeting na ang mga managers ng dalawang big stars. Malamang na sa Metro Manila Film Festival pumasok ang Kris-Dingdong movie, kung saan nag-number three (or was it four?) sa box-office ang last MMFFP movie ni Kris na Dalaw.
Wala pang nabanggit na genre ng pelikula as we go to press dahil naghahanap at namimili pa ng materyales sina Dong at Kris na babagay sa kanilang dalawa, pero more or less ay suspense-thriller o horror pa rin ito.
‘Pag na-finalize na ang movie concept ay saka pa lang sila maghahanap at makikipag-meeting kung sinong direktor ang hahawak ng nasabing movie. Part din ang dalawa sa pagiging producers ng kanilang first movie together.
May isa pang in-the-can movie si Dingdong, ang Dance of the Steel Bars, kung saan gaganap si Dong bilang dance instructor na makukulong, kasama ang Cebu dancing inmates.
Kasama ng aktor ang international actor na si Patrick Bergin, pati na sina Ricky Davao, Joey Paras, Kathleen Hermosa, Mon Confiado, etc.
Mula ito sa direksiyon nina Cesar Apolinario and Marnie Manicad.
PASOK SA CANNES International Film Festival-Director’s Fortnight category this year ang Busong ng indie film director na si Auraeus Solito.
Ang nasabing pelikula ay sinasabing “dream movie” ni Direk Auraeus na siya ring nagdirek ng Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros nu’ng 2005, at ngayo’y matatawag nang “modern gay classic film”.
Tubong-Palawan, si Direk Auraeus ay tuwang-tuwa sa pangyayaring ito, na bagama’t bawal pang ibalita dahil this week pa lang ang official announcement from Cannes ay nag-leak na nga sa press. Ang “Busong” ay Palawan term for “karma”. At say nga ng tubong-Palawan na si Direk Auraeus, ‘di niya sukat-akalaing mapapansin ito ng Cannes.
Isang Fil-Am ang bida sa pelikula, kasama rin ang indie actor na si Xeno Alejandro, at iba pang mga Palaweño. Ang Director’s Fortnight ay special exhibition ng films mula sa iba’t ibang bansa na never pang naitanghal commercially.
Official entry rin ang Busong sa Cinemalaya Philippines Independent Film Festival 2011 (Directors’ Showcase category) na gaganapin sa CCP ngayong July.
Mellow Thoughts
by Mell Navarro