HINDI nakaligtas si Dingdong Dantes at ang kanyang pamilya’t kasamahan sa bahay sa New Year surge ng Covid-19 dahil sa omicron variant. Ito mismo ang inamin ng aktor sa pamamagitan ng isang video na inupload sa kanyang social media accounts.
“Two weeks ago finally nakakuha na ako ng booster shot and grateful ako na nakakuha ako ng slot sa city hall ng Paranaque. Kasi ang huling bakuna ko ay nung July pa. Saktong sakto, ready na talaga ako for the booster.
“Thankfully after that naging okay naman ‘yung pakiramdam ko. ‘Yung expected lang nasasakit siya kinabukasan pero after that the day after naging maayos na talaga.”
Patuloy niya, “Pagkatapos ng ilang araw napansin namin na marami na ang hindi maganda ang pakiramdam sa kapaligiran namin, sa mga kapitbahay namin, sa bahay ng mga kamag-anak namin, ng mga magulang namin.
“Halos lahat ng mga kakilala namin mayroong positive case sa bahay hanggang sa halos lahat kami rito sa bahay nilagnat, nagkaroon ng sintomas. Kaya inisip namin mukhang ito na ‘yun, mukhang nasama na kami sa surge.”
Kahit na nagpositibo sa COVID, nagpasalamat ito na mild lamang ang symptoms na naranasan nila.
“Nag-test kami at nag-positive sa COVID. Sa totoo lang hindi namin alam kung saan at paano kami nahawa. Mabuti na lang mild lang ang naging sintomas namin,”
Ang good news ay fully recovered na ang Dantes Family maging ang kanilang mga kasamahan sa bahay na naapektuhan. Nagdesisyon ang Kapuso Primetime King na mag-open up tungkol sa kanilang naging karanasan to raise awareness at para hindi matakot ang mga taong naapektuhan din ng pandemya tulad nila.