NASA PANGLIMANG puwesto na lang ngayon ang pelikulang Kubot: The Aswang Chronicles 2 na pinagbibidahan ni Dingdong Dantes na isa rin sa mga producers ng pelikula. Naungusan ng English Only Please nina Jennylyn Mercado at Derek Ramsay na nasa number four na ngayon sa 2014 MMFF ranking of top-grossing film.
May mga nabasa kaming comments na isinisisi sa lavish wedding ni Dingdong kay Marian Rivera kung bakit ‘di gaanong kumita ang Kubot and I find it too unfair for Dingdong. Anong konek ng kasal sa box-office result ng movie? Parang wala naman, ‘di ba?
Anyway, whatever amount of money ang ginastos ni Dingdong sa kasal nila ni Marian ay hindi natin dapat pakialaman. It’s his money at minsan din lang naman siya ikakasal sa buong buhay niya. Karapatan niyang magwaldas at ibigay ang lahat para maging maligaya ang kanyang misis.
And take note, kahit nga sa wedding ni Dingdong ay inisip pa rin niya ang beneficiaries ng kanyang foundation kaya do’n na lang niya ipina-deposit ang kung anumang cash gifts para sa newly-weds. Good deeds ‘yon, ‘di ba?
With regards to Kubot, kumita pa rin naman ang movie, ‘di naman ito flop at posible pa ring matuloy ang part 3 nito sa next MMFF. Mas higit lang talaga ang mga kinita ng Star Cinema movies na The Amazing Praybeyt Benjamin ni Vice Ganda na nag-number one at Feng Shui nina Kris Aquino at Coco Martin na pumangalawa naman.
Although hindi naman straight horror ang Kubot na tulad ng Shake Rattle and Roll XV at Feng Shui, feeling namin nahati ang mahihilig manood ng horror movies sa tatlong pelikula. Tama ba?
Samantala, umuugong ang balitang tatakbo sa pagka-senador si Dingdong sa 2016. If this is true, wala kaming nakikitang masama.
La Boka
by Leo Bukas