SA TOTOO lang, bilib kami sa effort ng aktor na si Dingdong Dantes na pagsabayin ang trabaho niya bilang artista at sa kanyang paniwala at adbokasiya na mapaigi ang buhay at kinabukasan ng kabataang Pilipino.
Bilang artista, hindi ko alam kung saan nagmumula ang lakas niya na matapos ang halos araw-araw na puyatan sa taping ng kanyang teleseryeng Ang Dalawang Misis Real, at mga aktbidaes tulad ng mall shows at TV guestings ay may lakas pa para gawin ang kanyang nasimulan.
Ang tinutukoy namin ay ang Yes Pinoy Foundation kung saan sa simula pa lang ay aktibo na siya at hands-on sa kanyang gawain bukod pa sa kanyang obligasyon bilang hinirang na undesecretary ng National Youth Commission.
Bisperas ng kaarawan ng aktor last August 1, dumayo ng Iloilo Province si Dong kung saan nag-grace siya ng pasinaya ng isang elementary school. Kung hindi ako nagkakamali, dala-dala rin niya ang mga plastic na mga classroom chairs bilang donasyon sa isang paaralan doon.
Sa Estancia, Iloilo, bumisita rin ang aktor kung saan halos patapos na rin ang dalawang school building na pinagagawa ng YES na nasalanta ng bagong Yolanda.
I remember last December 2013, sa pa-Christmas Party ng PPL Entertainment (ni Perry Lansingan kung saan isa sa mga talent si Dong) sa entertainment press, may bawas na P100 ang Christmas Token namin bilang kontribusyon namin sa ipinapatayong gusali sa eskuwelahan sa Estancia which for us is ok.
Kaya nga bilib kami sa dedikasyon ni Dingdong sa kanyang trabaho at advocacy. Imagine, papaano niya napagsasabay na walang palya ang pagte-taping niya ng kanyang teleserye with Maricel Soriano at Lovi Poe; ang shooting ng kanyang MMFF 2014 entry na sequel ng horror film nila ni Direk Erik Matti na Aswang Chronicle at ito ngang advocacy niya sa YES Foundation at bilang Ambassador ng NYC, may panahon pa siya sa lovey-dovey nila ni Marian na pakiwari ko’y kasal na lang ang kulang para mabasbasan ang pagmamahalan nila sa isa’t isa.
Kaya nga nasorpresa si Dong noong bisperas ng kaarawan niya (August 2 ang birthday) na pagdating niya galing ng Iloilo (sakay ng last flight pabalik ng Manila) ang love niyang si Marian, may pa-gimik para sa kanya.
What made the surprise birthday party “salubong” special para sa aktor ay ang special guest noong gabing ‘yun ay ang paboritong banda ng aktor na Wolfgang at pagdalo ng mga aktor na si Yan mismo ang nag-imbita.
Ang mensahe nga ni Mom Marian (total Dad ang tawag ni Yan sa kapartner): “Makita ko lang ang mga ngiting ‘yan at nag-niningning na mata mo sa saya… Haaay, hindi matatawaran ang ligayang nararamdaman ko, hanggang kaya kong iparamdam at gawin ‘yan sa ‘yo sa araw-araw na ibinibigay ng Diyos na buhay, gagawin ko… Makita ko lang ‘yan palagi sa ‘yo. Happy Birthday, Dad! I love you…”
Reyted K
By RK VillaCorta