HINDI NA KAMI magtataka kung dumating ang panahong ang aktor at ngayo’y game show host na si Dingdong Dantes, eh, tumakbo na rin sa isa pang larangang babagayan niya, ang pulitika.
Sa inilunsad kasi nitong AYOS NA Movement, kaakibat ni Dingdong ang maraming kabataan sa mga advocacies at agenda na isinusulong nito. In fact, para na ring pulitiko si Dingdong na panay na ang ikot sa iba’t ibang panig ng bansa. Gaya ng pagtungo niya sa BZG Convention Center sa Pampanga noong Sabado.
Kung wala siyang taping o shooting, kasama na sa prayoridad niya ang umikot sa iba pang lugar ng bansa to meet with the youth, gaya sa Cagayan at sa Davao.
Tanong ng mga miron, noble raw na maituturing ang isinusulong na movement ni Dingdong, pero paano naman daw kaya niya hinihikayat ang rumored girlfriend niyang si Marian Rivera sa ganitong pagkakataon?
“One hundred per-cent ang support ni Marian sa movement. Pero dahil busy pa siya sa schedule ng tapings niya, malamang next month na siya makasama sa mga next ikot namin.”
Pinabulaanan din ng aktor ang kumalat na balitang lilipat ng ibang istasyon si Marian. Wala raw itong katotohanan. At ang iniregalo pa nga niya noong Pasko sa dalaga, eh, isang 20-inch replica ng karakter na ginagampanan nito ngayon, ang kung tawagin eh, ¼ scale na Darna.
And when it comes to Dingdong’s hosting job naman daw, naikukumpara rin ito sa dating may hawak ng Family Feud na si Richard Gomez. Sa nasabing game show, nanakawan ng smack ni Mocha ang aktor.
Ramdam daw kasi ng ibang manonood na parang acting kung i-treat ni Dingdong ang pagiging host niya, at ang hinahanap sa kanya ng mga manonood is to be himself, na ‘di naman madalas na makita ng mga tagahanga niya.
Siguro, sa pagbaba ni Dingdong sa mga kabataang madalas niyang makabungguang-siko, mas magiging flexible na siya sa papel niya as a game show host. As an actor, walang kuwestiyon ang kahusayan niya.
I’M SURE, YOU’VE come across the name Gilda Olvidado kung naging komiks addict kayo noong mga nakaraang dekada. Dahil panalo ang mga nobela nito sa komiks na eventually, eh, isinalin sa pelikula.
Sa ABS-CBN, binubuhay ni Direk Chito Roño ang Magkano ang Iyong Dangal na pagbibidahan ni Bangs Garcia with Rayver Cruz and Sid Lucero.
Sa GMA-7 naman, bibigyang buhay ng mag-inang Jean at Jennica Garcia ang isa sa naging top-glossy movies ng Viva Films na Ina, Kasusuklaman Ba Kita?.
Hindi kaya it’s about time na muling sumulat ng istorya si Ms. Olvidado for the big screen, para naman hindi puro na lang remake ang napapanood natin sa telebisyon? Kaya nagkakaroon lagi ng comparison sa mga orig sa binabago namang madalas na ipinalalabas sa telebisyon.
The Pillar
by Pilar Mateo