Dingdong Dantes, sobrang kabado kay Lorna Tolentino

HINDI RAW maiwasang kabahan ang lead actor ng newest primetime soap ng GMA 7, ang Pahiram ng Sandali na si Dingdong Dantes sa intimate scene nito sa Grandslam Queen na si Lorna Tolentino .

Hindi naman daw masisisi si Dingdong kung kabahan ito dahil first time nitong nakatrabaho si Ms. Lorna Tolentino at alam daw nito kung gaano kahusay sa pag-arte si Ms. LT. Kaya naman daw bawat eksenang kinukunan silang dalawa ay kumakabog ang dibdib ni Dingdong.

Alam naman daw ni Dingdong na marami siyang matututunan pagdating sa pag arte lalo na’t bukod sa mahusay na aktres na si Ms. LT ay kasama rin nila sa said soap ang isa pang award-winning actor na si Christopher De Leon.

Ang mga intimate scene daw nina Dingdong at Lorna ang ilan sa eksenang dapat abangan sa serye na magsisimula nang mapanood sa November 26 at dinirek ni Maryo J. de los Reyes.

GABI NG pagluha mula sa mga nagwagi ang katatapos na 26th PMPC Star Awards for TV na ginanap sa Ateneo, Henry Lee Irwin Theater at mapapanood sa Nov. 25, sa Sunday’s Best ng ABS-CBN. Ito ay sa direksyon ni Al Quinn.

Unang lumuha ang isa sa reyna ng shwobiz industry na si Ms. Gloria Romero nang tanggapin ang Ading Fernando Lifetime Achievement Award na hindi kaagad nakapag-speech nang bigyan ng standing ovation ng mga taong naroon sampu ng mga artistang naroroon.

Sinundan ito ng Master Showman himself na si Kuya Germs nang tanggapin ang parangal para sa Natatanging Alagad ng Telebsiyon na napaluha nang awitan siya ng kanyang showbiz crush na si Dawn Zalueta at nang bigyan din ito ng standing ovation.

Hindi rin napigilang mapaluha ng isa sa itinanghal na Best Drama Actress of the Year na si Ms. Nora Aunor nang mag speech at ialay ang kanyang tropeo sa lahat ng taong nagtiwalang muli sa kanya.

Ang iba pang nagwagi ang sumusunod: Best TV Station, ABS-CBN 2; Best Drama Series, Amaya (GMA 7); Best Drama Actor, Jericho Rosales (Dahil Sa Pag-Ibig, ABS-CBN 2); Best Drama Actress, Helen Gamboa (Walang Hanggan, ABS-CBN 2) & Nora Aunor (Sa Ngalan Ng Ina,TV5); Best Child Performer, Xyriel Manabat  (100 Days To Heaven, ABS-CBN 2); Best Comedy /Gag Show, Toda Max (ABS-CBN 2), Best Comedy Actor, Robin Padilla (Toda Max, ABS-CBN 2); Best Comedy Actress, Rufa Mae Quinto (Bubble Gang, GMA 7) & Pokwang (Toda Max, ABS-CBN 2).

Best Single Performance By an Actor, Noni Buencamino  (Maalaala Mo Kaya: ‘Sapatos’ Episode, ABS-CBN 2); Best Single Performance by an Actress, Sylvia Sanchez (Maalaala Mo Kaya: ‘Aswang’ Episode, ABS-CBN 2); Best New Female TV Personality, Divine Lee (Extreme Makeover Home Edition Philippines, TV 5); Best New Male TV Personality, Arjo Atayde    (Maalaala Mo Kaya: ‘Bangka’  Episode , ABS-CBN 2), Best Drama Anthology, Untold Stories Mula Sa Face To Face (TV 5).

Best Musical Variety Show, ASAP 2012 (ABS-CBN 2); Best Male TV Host, Billy Crawford (ASAP 2012, ABS-CBN 2); Best Female TV Host, Toni Gonzaga (ASAP 2012, ABS-CBN 2); Best Public Affairs TV Program, Wish Ko Lang (GMA 7); Best Public Service Program Host, Atty. Persida Acosta (Public Atorni: Asunto O Areglo, TV 5); Best Reality/Game Show & Host, It’s Showtime (ABS-CBN 2); Best Talent Search Show, Talentadong Pinoy (TV 5); Best Talent Search Show Host, Luis Manzano & Billy Crawford (Pilipinas Got Talent Season 3, ABS-  CBN 2); Best Youth Oriented Show, Luv U (ABS-CBN 2); Best Educational/Children Show & Host, Matang Lawin (ABS-CBN 2).

Best Celebrity/Showbiz Oriented Talk Show, The Buzz (ABS-CBN 2); Best Male Celebrity/Showbiz Oriented Talk  Show  Host, Vice Ganda (Gandang Gabi Vice, ABS- CBN 2); Best Female Celebrity/Showbiz Oriented Talk Show Host, Kris Aquino (Kris TV, ABS-CBN 2); Best Magazine Show/Host, Kapuso Mo, Jessica Soho (GMA 7); Best Horror /Fantasy  Program, Wansapanataym (ABS-CBN 2); Best News Program, TV Patrol (ABS- CBN 2); Best Male Newscaster, Ted Failon (TV Patrol , ABS -CBN 2); Best Female Newscaster, Vicky Morales (Saksi, GMA 7).

Best Public Affairs Program/Host, The Bottomline With Boy Abunda (ABS-CBN 2); Best Lifestyle /Travel Show, Landmarks (Net 25); Best Lifestyle/Travel  Show Host Richard Gutierrez (Pinoy Adventure, GMA 7); Best Documentary Program/Host, I-Witness (GMA 7); Best Documentary Special, Cheche Lazaro Presents Edsa At Pinoy (ABS-CBN 2); Best Morning Show/Host, Umagang Kay Ganda (ABS-CBN 2).

SPECIAL AWARDS: Ading Fernando Lifetime Achievement Award, Gloria Romero; Excellence In Broadcasting Award, Tina Monzon-Palma; Natatanging Alagad Ng Telebisyon, German Moreno; Posthumous Award, Dolphy; Celebrity Skin of the Night, Ryan Bang; Fabulous Body of the Night, KC Concepcion; Male/Female Face of the Night, Bryan Termulo  & Ai-Ai delas Alas, Male/ Female Star of the Night, Aga Muhlach & Ruffa Gutierrez.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous article Wala raw makapagsasabi sa p’wedeng mangyari
Gerald Anderson, ‘di nagsasara ng pinto kina Kim Chiu at Sarah Geronimo
Next articleNag-back-out sa production number sa Star Awards
John Prats at manager, napaka-unprofessional!

No posts to display