MATAPOS ANG kanilang kasal last December at honeymoon for almost two weeks, back to work na muli si Dingdong Dantes. Sa katunayan. Nakapaninibago man na dati-rati’y casual na “bagong kasal” ang kanilang peg ng misis na si Marian, kayod na naman si Dong para sa kanyang binubuong pamilya.
Sa pagpasok ng bagong taon, tila intriga na kaagad ang sumalubong sa aktor dahil iba’t ibang issues. Naririyan na hindi man pinangalanan ng dating girlfriend na si Karylle nang magsabi ito na na-two time siya ng dati nitong boyfriend, iniisip ng marami na siya ang pinatutukuyan ng ex-GF.
Maging si Marian, nasabit din sa isyu dahil sa BI (blind item) ni Karylle sa panahon na sila ni Dong, suspetsa ng marami, si Yan ang third party kung bakit sila naghiwalay.
Bukod dito, masama ang loob ng aktor dahil ang pelikula na dapat sa kanya na una na nilang napag-usapan ng direktor na si Erik Matti (kasosyo niya sa ilang mga pelikula na nai-produce niya) ay napunta kay John Lloyd Cruz.
Mahinahon man ang kanyang salita, alam kong masama ang loob ni Dong sa pangyayari.
Naalala ko tuloy ‘yong sinasabi ni JLC noong nakita namin siya sa isang motel sa taping ng sitcom niya sa Kapamilya Network bago mag-Valentine’ Day na may gagawin siyang pelikula kay Matti. Ngayon ko lang naalala na tila may preliminary talks na sila ng direktor kaysa kay Dong na I’m sure, hindi rin alam ni Lloydie na it was also offered to Dong.
Sa katunayan, napainum ng tubig si Dong. Huminga nang malalim bago niya sinagot ang urirat ng press na naroroon sa press launch ng kanyang bagong teleseryeng Pari Koy ng Kapuso Network na magsisimula na sa Lunes pagkatapos ng 24 Oras.
Pansin ni Rose Garcia, publicist ng aktor na first time lang niyang nakita si Dingdong (sa tagal ng pagkakakilala niya rito) na tensyonado ito at napabuntung-hininga bago sumagot sa tanong.
Basa ko, masama ang loob ng aktor kay Matti. Hindi man niya hayagang sinasabi na “bad trip” siya, iisipin ng maraming damay si JLC (na wala rin marahil alam na nai-offer na pala ang project kay Dingdong) halos walang sinagot ang akor sa isyu.
Sa isyu naman laban sa kanyang sinusuportahang presidente na si Pnoy, na ang clamor ng sambayanan ay patalsikin ito dahil sa kabi-kabilang mga isyu at kapalpakan, naiintindihan ng aktor ang reaksyon ng publiko.
Hindi man sinagot nang tahasan kung suportado pa rin niya si PNoy after all the controversies, sabi niya sa amin, “Yes Pinoy Foundation will still continue sa advocacy na nasimulan nito.”
Reading between the lines, ang Yes Pinoy Foundation ng aktor ay tuloy pa rin ang paglilingkod sa mga kabataan, kahit napatalsik na si PNoy o iba na ang Presidente sa 2016.
Reyted K
By RK VillaCorta