NABUHAY NA naman ang isyung tatakbo si Dingdong Dantes sa 2016 elections, dahil sa lumabas sa balitang isa siya sa kinukuha ng Liberal Party na tatakbong senador sa kanilang partido.
Sure na sure si Dingdong na hindi na siya tatakbo sa darating na election. Baka sa susunod pa siguro, pero sa 2016 ay wala raw talaga siyang plano.
Sa totoo lang, marami pang puwedeng gawin ang GMA Primetime King, kaya ang pagpasok sa pulitika ay wala pa raw talaga sa plano niya.
Kahit nga si Marian Rivera ay ganu’n din ang stand niya, dahil makatutulong naman daw sila sa mga kababayan natin kahit wala siyang posisyon sa public office.
Sabi nga ng manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, hindi lang ang partido ni PNoy ang nag-aalok sa kanya, kundi ang iba pang partido. Pero sarado raw ang desisyon ng aktor na hindi na siya tatakbo.
Ginagampanan lang ni Dingdong ang trabaho niya bilang Commissioner-at-Large ng National Youth Commission kaya visible siya sa iba’t ibang lalawigan. Pero walang halong pulitika ‘yan, ‘no!
Tingin ko naman talaga sa pulitika pa rin ang bagsak ni Dingdong, pero hindi pa siguro muna itong darating na eleksyon.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis