Dinky Doo, pinagkakitaan ang sakit ni Sammy Lagmay!

SA INYONG lingkod nakatoka ang pagsusulat ng iskrip mula sa panayam ng aming field reporter sa dating sikat na komedyanteng si Sammy Lagmay sa Startalk. Umere ang interbyung ‘yon nitong Sabado sa ospital kung saan kinailangang isugod si Sammy dahil sa pagtaas ng kanyang blood pressure at pagsusuka bunga umano ng dialysis.

Fifty four years old na ngayon si Sammy, tanging ang kapatid niyang si Mylene Mariano ang matiyagang nag-aalaga’t nagbabantay sa kanya.

Ani Sammy, kung dati-rati’y malaya siyang nakakakilos ay malayung-malayo na ito sa kanyang kundisyon ngayon. Hirap na kasi siyang tumayo, mas pinalala pa ito ng kanyang pagkabulag.

Totoong hindi siya pinagkaitan ng tulong-pinansiyal ng mga kabaro sa showbiz, pero gaano man daw karami ang nalikom niyang pera ay parang balon na natutuyuan din. Twice a week siyang sumasailalim sa dialysis, pero kadalasan daw ay hindi ‘yon nasusunod dahil sa kakapusan na rin ng pantustos.

Hindi namin masyadong alam ang pribadong buhay ni Sammy, pero may mga anak siya na base sa Amerika. “Nag-aaral pa sila kaya kailangan nilang bumalik sa States,” malungkot niyang sabi.

Lingid sa kaalaman ng marami, si Sharon Cuneta pa ang nagbigay ng pamasahe sa kanyang mga anak, makauwi’t makadalaw lang sa kanilang amang maysakit. Instead of seeing his condition get better ay lalo pa raw itong lumalala.  “Kabaong na lang yata ang naghihintay sa akin, eh. Pagod na rin ako, eh. Alam ko naman na ru’n din naman ‘to papunta,” aniya.

Totoong nakakaantig ng damdamin ang sitwasyon ngayon ni Sammy, but over and above compassion ay nanaig sa amin ang poot (while going over his transcribed interview) para sa kanyang kapwa komedyante (ayaw ipabanggit ng kanyang kapatid ang pangalan ng taong ‘yon, pero bilang tulong na rin kay Sammy ay pangangalanan namin since he wants that comedian’s name publicized!) na si Dinky Doo!

Ayon sa kuwento ni Sammy, kinontak daw siya ni Dinky wanting to mount a benefit concert for him. Natipon na raw ni Dinky ang mga magtatanghal kabilang sina Ronnie Ricketts, Edgar Mortiz, etc. Kasado na ang petsa at venue ng show.  Nagbigay na nga raw ng financial help ang mga ito.

Initially, Dinky wanted Sammy to be at the show para personal na tanggapin ang tulong, excited naman daw si Sammy who immediately put on his clothes.  Last minute ay tumawag daw uli si Dinky, huwag na raw siyang pumunta, siya (Dinky) na raw ang personal na maghahatid ng perang nalikom.

“Kaso, natapos ang concert, hindi siya tumatawag. So, ako na ang nag-text sa kanya, hindi siya nagre-reply. Ang sa akin lang, babala sa mga kasamahan natin na ginagamit ng ibang tao para sa pansarili nilang interes,” himutok ni Sammy.

FOLLOW-UP ITO sa aming previous item on Zara Lopez.

Briefly, isang reporter-friend ang tinawagan ng nagpakilalang “Zara” asking for help dahil na-dengue raw ang kanyang anak. Hindi Zara ang naka-register sa phonebook ng tinawagan ng da-ting miyembro ng Viva Hot Babes, but rather her real name.

She asked that the amount (P5,000) be sent to Western Union, our colleague just that.

Nitong Biyernes, another common reporter-friend rang us up, tinawagan daw siya ni Zara para linawing hindi siya ang nangailangan ng pera for her sick child. Aniya—which she swore with strong conviction—posibleng may gumagamit lang daw ng kanyang pangalan.

Through our caller-friend, nais ipanawagan ni Zara na mag-ingat ang ilang tao na maaaring mabiktima rin ng nagpapanggap na Zara. Wasting no time, tinext ko ang kaibigang tinawagan at hiningan ng tulong-pinansiyal ni Zara base sa kuwento n gaming common reporter-friend.

The good Samaritan, however, could not be mistaken.  Hindi nga “Zara” ang nag-appear sa phonebook ng kanyang mobile phone, pero tiyak niyang ang former Viva Hot Babe ‘yon using her real name.

Pero hindi na raw kaso ‘yon, aniya.  Nakatulong na siya, and if he was gypped ay bahala na ang nasa Itaas kay Zara, or whoever that Zara was. “Hindi ko na rin naman inaasahan na mababayaran niya ‘ko, eh. Kung naloko ako, eh, ‘di naloko,” sabi ng aming kaibigan, na ipinagpapasalamat pa ang natutunang aral tungkol sa pagtulong sa kanyang kapwa.

 Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleSari–saring Chikka 02/19/13
Next articleVilma Santos, posibleng makapasok sa int’l filmfest ang indie movie

No posts to display