FIRST THERE was Amaya (starred in by Marian Rivera), nasundan ito ng Indio na pinagbibidahan naman ni Senator Bong Revilla Jr.
Kung ang mga bida sa Amaya were the early natives of the archipelago, at set against the backdrop of Spanish colonization ang Indio, then what probable historical chapter ang susunod na epicseryeng ihahandog ng GMA?
Ano pa, eh, ‘di ang pananakop ng mga Hapon sa ating bansa! If this is the chronological pattern, GMA only lives up to its commitment to no-nonsense infotainment (na hinaluan pa ng aspeto ng edukasyon). Sino naman kaya ang pangunahing bida sa epicseryeng ‘yon?
IN THE name of fair reporting, kinunan ng Startalk ng panig si Dinky Doo, ang komedyante whom former comedian Sammy Lagmay—now seriously ill—has accused of misrepresenting him sa isinagawa nitong benefit show. Umere ang magkahiwalay na panayam na ‘yon Kay Dinky nitong Sabado vis a vis the latest interview with Sammy.
A running story assigned to this writer, kapansin-pansin based on the transcribed materials ang maraming inconsistencies sa mga pahayag ni Dinky.
Sa kanyang naunang panayam, iginiit ni Dinky na ang pagpapa-show niyang ‘yon na itinaon niya sa kanyang 50th birthday last November 25, 2012 ay inilaan niya para kay Sammy, among others, who needed help. In his second interview conducted at a presscon, sinabi naman niyang ang event na ‘yon was solely in celebration of his golden year, hindi beneficiary si Sammy.
Katuwiran ni Dinky, paanong nasali roon si Sammy, samantalang tinutulungan na raw niya ito? In fact, nagbigay na nga raw siya ng wheelchair.
But wait, sa second interview niya, Dinky confessed to having donated a wheelchair to Sammy, pero ‘yun ay makaraang inilabas na ng Startalk ang sentimyento ng dating komedyante.
Sammy though is consistent with his statement, isa na rito ang pag-text niya kay Dinky kung ano na ang nangyari sa fund-raising show na ‘yon, the proceeds of which were promised by Dinky. Comparing Dinky’s separate interviews yielded yet another glaring discrepancy.
Ani Dinky, wala raw siyang natatanggap na text message mula kay Sammy, only to issue a self-contradictory statement in his second interview: nag-text nga raw si Sammy sa kanya, but since hindi pa raw nakukuha ni Dinky ang kabayaran sa mga nabiling tiket ay hindi siya makaharap kay Sammy para sa ipinangakong tulong.
Ano ba talaga ang totoo, Dinky?
GOD WILLING, umaasa ang dating matinee idol na si Dennis da Silva na makalaya mula sa piitan this year.
Dennis has been serving his sentence for 10 years now facing child abuse charge. The verdict on the case is expected anytime, ayon sa dating aktor.
Sa ginawang pagdalaw ng Startalk sa Pasig City Jail (he was first brought to Antipolo) sa kanyang mismong kaarawan (February 19), the erstwhile heartthrob is already looking forward to reuniting with his wife Tina and their two kids.
Bagama’t nag-a-adjust pa rin sa buhay-piitan, Dennis has found a spiritual ally in former actor, now Pastor Dennis Roldan. Mas tutok ngayon ang atensiyon ni Dennis sa pagbabasa ng Bible.
This early, Dennis and his wife are already planning their out-of-the-country vacation kapag nakalaya na ang dating aktor. “Bakasyon muna, pagkatapos, magtatrabaho ako uli,” ani Dennis.
Ang tanong: will showbiz be kind enough to accept him? At bakit naman hindi?
Classic example ng matagumpay na pagiging aktibong muli mula sa kulungan ay si Robin Padilla who got jailed for illegal possession of firearms, remember? For sure, dalawang kamay pa ring tatanggapin ng showbiz si Dennis, kasabay ng pagtanggap sa katotohanang nagbabago ang tao for the better.
Pepperoni
by Ronnie Carrasco III