KAHIT hindi pa isinasapubliko kung sino ang Kapuso actor na ka-alternate ni Dingdong Dantes sa I Can See You: AlterNATE, marami na ang nanghula na si Dion Ignacio ang mystery actor. Guess what? Tama kayo!
Sa kuwadra ng Kapuso Network, si Dion Ignacio ang pinakamalapit sa height, built and facial features ni Dingdong Dantes, kaya kahit na hindi nakikita ang kanyang mukha sa initial episodes ng mini-series ay marami na ang nakahula.
Nag-umpisa si Dion Ignacio bilang isa sa contestants ng kauna-unahang season ng reality-based artista search na ‘Starstruck’. Doon pa lang ay vocal na si Dion sa pagsabing idol niya si Dingdong, na noong mga panahon na ‘yun ay main male host ng programa at reigning teleserye king ng network. Ayon kay Dion, sinusubaybayan niya noon ang ‘Sana ay Ikaw na Nga’ kung saan kapares ni Dingdong noon si Tanya Garcia.
Sa huling linggo ng mini series ay ipinakita na rin sa wakas ang ilan sa mga eksenang kinunan ni Dion bilang ka-alternate ni Dingdong. Kitang-kita rito na maliban sa physical aspect ay kinailangan din i-memorize ni Dion ang mga linya at mannerisms ng mga karakter ni Dingdong bilang sina Michael at Nate. Nakakabilib!
Sa kanyang pahayag via GMANetwork.com, Sa ‘kin okay naman, proud nga ako e kasi nagkaroon ako ng chance na makatrabaho si Kuya Dingdong dahil dito sa I Can See You: AlterNate kasi kung may bucket list ako, isa sa list ko ‘yung makatrabaho ko si Kuya Dingdong kasi talagang idol na idol ko siya noon pa man.”
Kahit na hindi siya nakikita sa camera, same effort din ang ibinigay niya para gampanan ang dual roles na Michael at Nate just like Dingdong.
Ani Dion, “First time kong kabisaduhin ‘yung linya rin ng ka-eksena ko, gano’n din naman si Kuya Dong. Ang hahaba ng dialogue ni Nate saka ni Michael ‘pag nag-uusap. Kailangan kabisado mo lahat ‘yun kasi magpapalit kayo.
“Kahit hindi ako makita kasi ang goal ko masuportahan ‘yung artista na ka-eksena ko, si Beauty Gonzalez saka si Kuya Dingdong para maganda ‘yung reaksyon nila, maging natural.
“Kung kailangan umiyak ni Nate do’n sa eksena, talagang iiyak ako. Talagang ipaparamdam ko ‘yung totoong acting, talagang may karga din po ako.”
Diin pa ni Dion, “Likod lang ‘yung kita sa ‘kin pero, sa harap, talagang binuhos ko lahat ng effort ko lagpas 100 percent.”
Puring-puri ni Dingdong Dantes si Dion. “Kahit na sabihin mo na wala sa kanya ‘yung camera pero ‘yung energy na binibigay niya, ‘yung interperation niya sa role really means a lot. Sa totoo lang, ang dami ko ring nakuhang tips sa kanya.”
Almost twenty years na sa Kapuso Network si Dion. In fairness, hindi naman siya nababakante ng trabaho, pero hindi pa natin masabi na nabigyan talaga siya ng big break for him to be a household name lalo na sa bagong henerasyon. Sana, sa pamamagitan ng recommendation ng kanyang idolo ay mabigyan din ng teleserye si Dion where he plays provocative roles. Ano sa tingin niyo?