NANG MAPANOOD NAMIN ang trailer ng pelikulang “In The Name of Love” nina Aga Muhlach, Jake Cuenca at Angel Locsin, nakakaintriga ang bawat eksena. Hindi maipaliwanag ni Direk Olivia M. Lamasan ang kabuuan ng istorya na umiikot sa tatlong character.
“It’s something that happens. It’s something that has said. Isa siyang tanong na mahirap sagutin, kasi hindi siya sinasagot ng future. Sinasagot siya kapag pinagdaanan mo na at saka mo masasagot, What you able to do in the name of love. This is based on a true story.” Matalinhagang sabi ni Direk Lamasan.
Pagkakaiba nitong movie nina Aga at Angel in the past movies na nagawa na ni Direk Lamasan? “Being the Creative Head ng Star Cinema, alam kong hindi aaprubahan. But I fell in love in the story and I said, it is such a big challenge for me. Before, Enrico Santos able to do a film noir. Kasi film noir at saka material turn into something na palatable to broad market specifically the audience of Star Cinema. So, tinaya namin ang leeg namin, tapos si Malou Santos, our producer, sabi niya, ang ganda. Pinagkatiwalaan kami ni Malou at ni Charo Santos,” pahayag ng batikang director.
At first, hindi type ni Direk Lamasan ang theme song sa movie na “Where Do I Begin.” “Isang araw, naliligo ako. Sabi ko sa Diyos, bakit hirap na hirap kami? Ano ba talaga ang gusto mo? Ano bang ang gusto mo para sa pelikula? Then, when I went down sa house, may nag-play na music, ‘yan. Pagdating ko sa ABS, sinabi sa akin ang final song sa movie ay “Where Do I Begin.” Kinilabutan ako, kasi ‘yun ang kantang narinig ko pagkatapos kong kausapin ang Diyos.”
Habang ginagawa nina Angel ang pelikula, na-discover niya ang tamang acting in front of the camera sa tulong ni Direk Lamasan. “Kay Inang, ang dami kong natutunan. Ganito pala po kapag pelikula kasi, hindi ako sanay sa pelikula. Tinuruan niya akong magpaka-soap, fifty percent ganu’n. Pagkatapos, kung paano dapat gamitin ang mata, ‘yung monologue. Ang dami talaga, pati sa posisyon at kung paano dinadaya ang camera angle. Kami ni Jake, para kaming kinder dito.
“Na challenge ako bukod sa first time kong gagawin ito, three months yata akong nag-aral ng pole dancing para lang magawa ‘yung eksena kasi, hindi siya basta-basta. Nagkaroon ako ng mga bruises, ganyan,” sabi ni Angel.
Ano ‘yung na-discover ni Angel kay Aga na ngayon ay nakatrabaho na niya? “Ang galing, grabe! Nakaka-pressure lalo kasi, ganoon siya kagaling. Akala mo nakikipagbiruan lang, kapag sinabing action, action. At kapag umarte, ang galing. Hanggang ngayon, Aga Muhlach pa rin siya, ang sarap katrabaho.
HINDI HAPPY SI Direk Maryo J. de los Reyes sa hindi pagsipot ng lead actor niyang si Mark Anthony Fernandez sa grand presscon ng kanilang teleser-yeng Munting Heredera na pinagbibidahan nina Ms. Gloria Romero, Camille Prats at ang newest discovery ng GMA na si Barbara Miguel. Tinanong tuloy namin ang batikang director kung ano ang dahilan. Ang tanging nasabi niya, “Mark Anthony is Mark Anthony.” ‘Yun na.
Ayaw mang aminin ni Direk Maryo, parang may attitude problem yata itong si Mark Anthony. Hindi ikinatutuwa ng kapwa niya artista ang hindi niya pagpa-participate sa nasabing big event ng GMA-7. Binigyang katuwiran naman ng production staff ang naging excuse ng actor. Napuyat daw sa taping kaya hindi ito nakarating sa sarili niyang presscon. Ganu’n ?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield