Direk Andoy Ranay, palpak ang gamit ng English sa natapos na serye

Andoy -RanayAS EXPECTED, happy ending ang kinauwian ng Ang Dalawang Mrs. Real na nagtapos over the week.

Samantala, petty as it may seem, pero bakit pinalampas ni Direk Andoy Ranay ang at least dalawang eksena na umere last Thurday despite glaring lapses in the usage of English?

Natutukan namin ang second to the last episode nito, kung saan in one scene ay dumalaw si Celeste Legaspi sa lamay ni Jaime Fabregas. Eksena ‘yon nina Celeste at Coney Reyes, isang mahinahong biyuda (Coney) asked her balae (Celeste) kung bakit hindi nito kasama ang asawang si Robert Arevalo.

Ani Celeste, wala raw kasing mukhang ihaharap ang kanyang asawa, but he (Robert) was sending his condolences.

Speaking of the word “condolence”, ang tamang pagbigkas nito ay condol’ence kung saan ang diin o accent ay nasa second syllable. But the way Celeste pronounced it, nasa first syllable ang accent. Huwag na sigurong si Direk Andoy ang sumigaw ng, “Cut!” over the mispronunciation, ang kaeksena ni Celeste na si Coney—a communication arts graduate at that—could have politely corrected the singer.

Better yet, sa rehearsal pa lang before the actual take, siguro naman ay napansin both nina Coney at Celeste ang boo-boo na ‘yon.

Sa loob naman ng courtroom ang sumunod na eksena. Nililitis na kasi ang kasong bigamy ni Dingdong Dantes. How come nakalusot ang linya ng tumatayong judge (whose name slipped our mind, pero taga-UP Diliman siya) na may salitang “evidences”?

FYI, walang plural form ang naturang salita except when you say “pieces of evidence”, tulad ng pieces of advice, pieces of furniture and the like.

Maaaring sa iba ay wala namang kakuwenta-kuwenta ang punang ito, pero sa amin, big deal ito.

WE’RE JUST toying with this impossible idea bilang special edition ng bagong game show ni Tom Rodriguez sa GMA that piloted last Monday.

Sa naturang palabas, there are two competing teams, each of them already has P250,000. The objective of the game is for the teams to hold on to their money as they hurdle three challenges.

‘Eto ang aming suhestiyon. Buwan ng September ngayon, around the same time noong pumutok ang pork barrel scam noong isang taon.

Bakit hindi paglaban-labanin ang mga mambabatas who will collectively represent the “PDAF Team” to compete against the “DAP Team”? After all, illegal at unconstitutional ang DAP as far as the Supreme Court is concerned, na mga nasa puwesto rin ng gobyerno ang sangkot.

And now for the three challenges na kailangang suungin ng PDAF at DAP Teams: Challenge #1: Umaming nagnakaw nga sila mula sa pera ng taumbayan; Challenge #2: Humingi ng kapatawaran sa buong sambayanan sa salang pandarambong; at Challenge #3: Hindi magiging ganap ang pag-amin at paghingi ng tawad, kung kaya’t ang ikatlong hamon ay isauli ang perang kanilang kinulimbat.

For a change, ang espesyal na edisyon ng game show ni Tom ay papalitan ng program title. Let it be named DON’T LOOT THE MONEY.

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

Previous articleWish Ko Lang
Next articleMarion Aunor, inspirasyon ang tiyang si Nora Aunor sa pagkanta

No posts to display