Direk Arlyn dela Cruz, nilinaw ang isyu kay Derek Ramsay

Arlyn-dela-CruzNILINAW NI Direk Arlyn dela Cruz sa launching ng bagong movie company na Starquest Alliance Production headed by the President Mark Angelo Castillo na gumawa ng Mandirigma ang tunay na pangyayari sa pagkawala ni Derek Ramsay bilang pangunahing aktor ng pelikula. Pinalitan na siya ni Luis Allandy.

Hindi nag-inarte o nagtaas ng presyo si Derek gaya sa mga kumakalat na balita.

“Gusto ko lang pong linawin na wala pong ganu’ng isyu kay Derek. In fact, gustung-gusto ni Derek ang project, ang problema po ay ‘yung availability niya. April ang ibinigay niya sa aming schedule to do the movie eh, gusto ng aming producer na by April ipalabas ang pelikula in time sa Araw Ng Kagitingan. Base kasi sa Fallen 44 ang pelikula at timing nga na sa araw na iyon maipalabas,” paliwanag ni dikek Arlyn.

“Our goal is not only to promote our first venture but also to give the families of our country’s heroes their just due. The film “Mandirigma”, is as timely as today’s headlines,” pahayag naman ni Mark.

Kasama rin sa pelikula sina Ping Medina, Alwyn Uytingco, Mon Confiado, Jericho Ejercito, Buboy Villar, Ma. Isabel Lopez, at ang mga bagong artista ng Starquest Alliance Production na sina AJ, Jem, at Sophia.

RAP EN ROL
By Ronald M. Rafer

Previous articleSheryl Cruz, ‘di kailangan ng boyfriend para maging kuntento at masaya
Next articleGeoff Eigenmann, sanay na walang lovelife

No posts to display