HINDI KO gusto ang hilatsa ng dila nitong director na si Aureuas Solito using an alias “Kanakan Balintagos” sa Cinema One Originals 2014 entry niyang Esprit de Corps na pinagbibidahan ni Sandino Martin na itinaghal bilang Best Actor sa naturang film festival.
Hindi nga siguro niya kilala ang pinatsudahan na si Willian Reyes, isang manunulat ng Pep.ph at respetadong kolumnista na ang forte ay ang mga art at festival films, kung saan nahahanay ang mga pelikula nitong si Solito.
Ang siste, hindi nagustuhan nitong si Solito ang sinulat ni William sa isa sa pinakamalaking entertainment web portal sa ‘Pinas, na ayon sa direktor, nag-focus diumano itong si William sa anggulong paghuhubad ng bida sa obra niya sa pelikulang naging entry sa Cinema One Originals.
To quote this “ewan” director na naghuhukay ng kanyang libingan sa isinulat ni William: “You are a tabloid writer lang pala… goodbye! Ang cheap mo!”
Sa linyang binitawan nitong “may feeling” na director, nainsulto ang mga writer na nagsusulat sa mga tabloid like me.
Now sino ang cheap? Wala ngang pambayad ang direktor na ito para maisulat ang pelikula niya para magkaroon ng publicity para malaman ng publiko na may ganu’n siyang obra.
Kung hindi pa sa cable channel na Cinema One na nagpa-presscon para sa mga film entries ng festival nila, nungka na malalaman ng showbiz at publiko na may gano’ng pelikula siya.
Sige na nga, magaling siya ayon sa kanya dahil daw sa mga awards at papuri na natatamo niya sa kanyang mga obra sa ibang bansa. Kaliwa’t kanang festivals na sinasalihan niya na nag-uuwi siya ng tropeo at parangal. Pero ang tanong, naibabalik ba naman ang puhunan ng financiers at producers niya?
Sino nga ba ang nakikinabang sa mga pinu-produced niya or sa mga pelikula niya? Ang isang financier tulad ni Quezon City Congressman Alfred Vargas na nag-produce ng pelikulang “Busong” noon para idirek niya na balita namin, wala pa sa katiting ang naibalik sa puhunan ni Congressman Alfred at waley accounting sa perang ipinuhunan nito.
Magaling nga raw itong si Solito, pero as always flopped naman ang mga pelikula niya sa takilya, mamumuhunan ka pa ba?
Sa ganitong set-up na siya ang nakikinabang sa mga papuri at ang financier-producers, nagmumukmok at nagsisisi sa naniwala na maibabalik ang isinugal sa pelikula niya, the fact as financier-producer, gusto mong maibalik man lang ang puhunan sa pelikulang ipinundar mo.
No wonder, walang mainstream film producer ang may pangarap na kunin itong Solito na ito, dahil alam nilang malulugi lang sila.
Sa mga awards na natatamo ng pelikulang dinidirek niya, sino ang nakikinabang? Siya at siya lang dahil tumataas ang market value niya at lalong tataas ang ere niya at lalong bababa ang tingin niya sa mga “tabloid writer”.
Suggestion ko, kung ganito din lang naman ang ilusyon niya, dapat i-boykot ang pelikula niya ng lahat ng mga tabloid writer. Huwag isulat ang pelikula niya, ang mga artista sa pelikula niya, anything na tungkol sa kanya na hindi sila madamay at mahawaan ng ilusyunadong direktor-direktoran na ito na sa bandang huli, matatauhan siya na sa mundo ng showbiz, dapat marunong kang makisama.
Ang layo ng PR skills niya sa isang Joey Reyes or Mary J. delos Reyes na ang daming mga kaibigang tabloid reporters na sumusuporta sa mga pelikula niya.
Alam ba niya na ang katotohanan, imaging lang ang broadsheet sa mga tulad niyang ilusyunado na hindi nakatapak sa lupa. Pero ang tunay na binabasa ay ang mga entertainment columns sa mga tabloid ng mga manonood ng pelikulang Pilipino.
Pangaralan n’yo kaya Direk Joey at Direk Maryo ang ilusyunadong ito. Wala pa man at nasa pantalan pa lang ng Toledo sa Cebu, akala mo naka-First Class seat na sa biyaheng New York.
Ang mga mayayabang na mga direktor tulad nitong si Aureuas Solito, alias “Kanakan Balintagos” sa kangkungan pinupulot at gawing legman.
Pakituruan nga rin Mr. Ronald Arguelles kung paano maki-PR sa mga tabloid reporter ang “malas na direktor” na walang hatak sa takilya para maging happy ang mga producer niya.
Ano kaya ang stand naman ng PMPC at ENPRESS sa isyung ito na most of the members are tabloid writers-reporters?
Reyted K
By RK VillaCorta