Huwag na po nating intrigahin si Direk Brillante Mendoza kung siya man ang magdi-direk ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte sa darating na Lunes na magaganap ng Session Hall ng Batasang Pambansa sa Q.C.
Gusto ni Direk Brillante Mendoza na gawing simple lang ang proceedings na walang fun fare tulad sa mga nakaraang mga SONA ng mga dating naging pangulo ng Pilipinas, na ang mga fashion statements ng mga pulitikong dadalo mula sa hanay ng mga mayor, gobernador, kongresista, at kung ani-anik pa ay naka-postura.
Sa panayam ni Amy Perez at Marc Logan sa kanilang morning radio program na “Sakto” sa DZMM kaninang umaga, ipinahayag ni Direk na “pro bono” ang trabahong gagawin niya. Sa madaling salita, libre. Free of charge na walang dahilan para ma-insecure ang ibang mga direktor at mainggit kay Brillante.
Naging connect ni Direk Brillante ang Communications Chief ni President Digong na si Martin Andanar dahil student pala ni Brillante ito noon. Iba na talaga ang may konek sa bagong pamahalaan.
Anyway, aabangan ng sambayanan ang 1st SONA ni President Digong.
Sa pagkakaalam ko, walang rehearsal daw. Aayusin lang ang ilaw. Wala na ngang red carpet na gustong gawin ni Direk Brillante na natural, hindi scripted ang magiging proceedings ng magiging kaganapan sa Batasang Pambansa sa darating na Lunes.
Just like his recent film na “natural na natural” sabi ng mga kaibigan na sanay manood ng pelikula ni Brillante na madilim, magalaw ang hand-held camera, sa kasimplehan ng SONA ni PDigong, hindi kaya magmukhang indie film ang magiging eksena sa SONA sa Lunes?
Kung si Jaclyn Jose ay pinalakpakan sa huling eksena niya sa pelikulang “Ma’Rosa”, kung saan kumain siya ng fishball, kay Presdient Digong kaya, anong eksena ang ipagagawa ni Brillante?
“Kumakain naman siya ng banana que,” say ng isang Brillante fan.
Reyted K
By RK VillaCorta