Parang nandiri kami kay Brillante Mendoza na nagmakaawa sa social media na panoorin ang kanyang obra maestra na Ma’Rosa starring Cannes best actress winner Jaclyn Jose.
“We are grateful wd your support and positive reviews.
“However, we are on a brink of being pulled out in some cinemas due to lack of audience. Therefore, I am urging especially, those who haven’t seen the film to please watch Ma’ Rosa. Still showing in select theaters.”
‘Yan ang pakiusap ni Brillante sa social media.
Another director, Don Cuaresma, followed suit.
In his strongly-worded message photo, he said: “Pinag-isipan, Pinaghirapan, Ginastusan. Nanalo sa Cannes. Tapos di nyo panonoorin. Tang ina.”
Kaso, marami pa rin ang hindi naniniwalang dapat panoorin ang Ma’Rosa.
“Hahaha parang buong cast nito ay nega! Hahaha”
“wag kasing masyadong ipush sa bituka ng tao kaya tuloy nagiging nega ang promo.”
“naku naman, eto na naman yang cannes na yan, may kasama pang mura. bakeettt? manonood ang tao kung ano ang gustong panoorin. huwag ipilit. tapos, puro pa nega ang pag-iingay na ginagawa.”
“HAHAHAHAHAHAH! No way. That movie is boring and a waste of time.”
“Kaya wala masyadong nanonood niyan kasi, ayaw mapanood ng mga tao ang kahirapan ng buhay dito sa atin. Kaya nga “entertainment” eh, kasi ang gusto ng mas nakakarami ang mga pelikula na makakatulong sa kanila makalimot ng problema nila kahit sandali Lang.”
Alam mo Don and Brillante Mendoza, kahit na lumuhod pa kayo kung ayaw panoorin ng tao ang movie ay wala kayong magagawa.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas