Kalurkey ang nakaraang SONA ni President Digong Durente last Monday.
Imbes na maging isang simple, disente at pormal) na napapanood ng sambayanan sa telebisyon ang bagong Pangulo sa kanyang mga plano sa bayan sa kanyang mga constituents, ginawang karikatura ni Brillante Mendoza ang “Pangulo” sa kagustuhan niya na maging “simple” ang isang pormal na pagtitipon with his crazy and out of this world camera shots na tinalbugan pa ang mga TV coverages ng White House.
Kung anu-anong shots ang ginawang kaartehan na wala namang saysay ang ideya nito na lalo lang nahilo ang manonood sa telebisyon.
Ilang beses ba ang shot ng kamera niya na ang butas ng ilong ni President Digong ay nakunan? Kung HD (High Definition) lang marahil ang TV ko, baka pati kulangot ni President Digong ay nasipat ko.
Mabibilang mo. Tuloy hindi mo makalilimutan ang “overrated” movie niya na “Ma’Rosa” kung saan iisa ang reaksyon ng publiko na nakapanood (at isa na kami) na after 15 minutes ay nahilo kami dahil sa magalaw na hand-held camera niya sa mga eksenang madidilim na rason para mag-walkout kami.
Ang kaibigang Manny Marinay (dating taga-Manila Standard) ay may komento sa kanyang FB Wall tungkol sa usapin: “Too many undershots. Nostril shots. What was Brillante thinking? O ayan magagalit na naman itong nameless na baklang bayaran.”
Dagdag nga ni Manny sa kanyang opinyon sa nakaraang SONA: “President Duterte does not need artistic shots. His face and the timbre of his voice carry all the drama. Artistic ba ‘yung kunan ka mula kamay pataas at nakita butas ng ilong ni Presidente. May side shots pa na hindi nailawan nang maayos.”
Dagdag pa ni Manny sa kanyang obserbasyon sa nakaraang SONA: “Brillante said he used ‘power shots’ to stress Duterte’s position as the most powerful. I say no need to do that. He’s the President, heller. Leave RTVM alone. Ang galing nila nu;ng inaugural. Sila ang experts.
“Power shots? Baka inumin ‘yun tapos nakakahilo. Charot!,” sinulat niya sa kanyang FB wall.
Maging ang entertainment writer na si Ed de Leon; matapos mapanood ang SONA ng ilang minuto ay pinatay niya ang kanyang telebisyon.
From “Ma’Rosa” na overrated na pelikula na dinala niya sa Cannes Film Festival, never naman daw nagwagi or nakaroon ng merits ang movie pgdating sa creative and technical aspects except sa galing ng pag-arte ni Jaclyn Jose na super rave ang international critics gayong ang tagal na nating alam na magaling si Jaclyn at wala namagn bago.
Sa last Monday kaganapan from “Ma’Rosa”, pwede rin pala ang State of the Natiom Address ni Presidet Digong ng Ma’SONA? Gandang punning huh!
Reyted K
By RK VillaCorta