MAHABA ANG naging pag-uusap namin ni Direk Brillante Mendoza nang bumisita kami sa kanyang studio sa may Mandaluyong. Ipinasilip din sa amin ni Direk ang rough edit ng trailer ng Thy Womb at ipinalabas na ito sa kauna-unahang pagkakataon noong Sabado sa Paparazzi Showbiz Exposed bilang bahagi ng selebrasyon ng kaarawan ng Superstar na si Nora Aunor.
Tanong naming kay Direk kung paano ba niya masasabing Pilipinong-Pilipino ang tema ng movie na Thy Womb?
“Napaka-Filipino, kasi unang-una, hindi siya kathang-isip lamang. Ang istorya ng Thy Womb actually, na-discover ko ‘yung istorya… ng writer ko na si Henry Burgos, nu’ng na-discover namin ‘yung Tawi-tawi. Nu’ng nagpunta ako roon, immediately na in-love ako sa lugar. Ang ganda niya, sabi ko, pero wala akong kuwento. ‘Yung lugar pa lang ang nakita ko. Nu’ng nag-research kami, na-discover ko rin ‘yung, hindi lang ‘yung lugar, kundi ‘yung mga tao. Doon nag-umpisa ‘yung istorya ng Thy Womb. It is really based on a real-life story of these people, especially of these couple, childless couple na Badjao. ‘Yung kuwentong ito base sa totoong buhay nila.”
Dugtong pa niya, “Nasa kultura kasi ‘yun ng mga kapatid nating Muslim sa Mindanao, for as long as pumayag ‘yung asawa na magkaroon pa ng isang asawa ang kanyang husband, puwede. Ngayon, kung hindi papayag, hindi ‘yan ina-allow sa kultura nila. So, dito sa pelikula, pumayag si Ate Guy na magkaroon ng asawa ang kanyang asawa.”
Paano nga ba niya nabuo ang stellar cast ng pelikula, kabilang na si Ate Guy, Bembol Rocco, Mercedes Cabral at Lovi Poe?
Kuwento ni Direk, “Unang-una, hindi ko alam na kaya naming makuha si Ate Guy. Pangalawa, ‘yung mga budget we have to consider. So, wala akong idea kung magkano ang ibabayad ko sa kanya, wala akong idea kung papa’no ‘yung kontrata niya sa TV5, so medyo complicated. Hindi ko talaga inisip, basta ginawa muna namin ‘yung kwento, ginawa muna namin hanggang sa nu’ng natapos ‘yung kwento, nakita namin na ganito ang requirements ng kuwento, du’n kami nag-isip ng artista. Of course, nandodoon siya sa top of the list ng mga artista. But, kasi you should have an option kasi, what if hindi siya pumuwede? Actually, we just try. Nag-try lang kami. And so happened na pumayag siya. Payag siya, at excited siyang gawin ‘yung pelikula.”
TUTULAK NA pa-Amerika ang buong gurpo ng Wil Time Bigtime bukas para sa dalawang malala-king shows ng Wil Time Bigtime sa Los Angeles at San Francisco, California. Ito na rin ang magsisilbing hudyat ng launching ng Kapatid International sa Amerika katuwang ang Dish Network, ang leader in international programming sa United States.
Abangan ang Wil Time Bigtime sa May 26, Shrine Auditorium, Los Angeles; at sa June 2 naman sa Bill Graham Civic Auditorium, San Francisco, California.
Makikisaya sina Willie Revillame, Mariel Rodriguez, Camille Villar, Ruffa Gutierrez, Derek Ramsay at ang nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Go na mga kapatid sa Amerika, watch na!
NAKAKATUWANG ISIPIN na ang dating magkatapat sa noontime bilang hosts ng kani-kanilang programa na sina Joey de Leon at Edu Manzano ay magsasama para sa isang bagong game show ng TV5.
Magsasama ang dalawang higante ng game show hosting na sina Joey at Edu sa Game N’ Go, ang bagong Sunday primetime gameshow ng Kapatid Network. Kabilang pa sa makakasama nila rito ay sina Shalani Soledad-Romulo, Gelli de Belen at Arnell Ignacio.
Masaya ito, pramis!
Sure na ‘to
By Arniel Serato