Ayon kay Direk Carlo J. Caparas, iba raw ang pakiramdam kapag siya ang nagsulat at nag-direk ng sarili niyang pelikula. Mas napagpapasensiyahan nito ang sarili, walang excuses. Alam niya ang pangyayari, pero kapag iba raw ang nag-direk ng kuwento niya, palaging may shortcomings. Pero kapag siya ang nag-direk, wala ‘yung paghahanap niya, palaging may dahilan siya para sa sarili nito.
Sa bagong pelikula nina Carlo J. at Donna Villa na “Angela Markado” ni Andi Eigenmann ng Oro De Siete Productions at Viva Films, kasama sa cast ang dalawang anak nila na sina CJ Caparas at Ysabelle Peach. Gusto niyang makita nina CJ at Peach ang mundong ginagalawan nilang mag-asawa. Nakikita nga raw ng mga ito, pero iba raw ang mundo nila. Iba ang group of friends ng magkapatid outside showbiz. Ngayong malalaki na sila, gusto nina Donna at Direk Carlo na makita nila ang mundo ng magulang nila. Paliwanag ni Madam Donna, “Ang mundo namin ni Carlo ay showbiz talaga. Baka gusto nilang ma-belong sa mundong aming ginagalawan, puwede rin. Pero sa pag-aartista… sa kanila nanggaling.”
Pahayag naman ni Direk Carlo J., “Ang bentahe na nakalalabas sila sa grupo na ito, nakasama ni CJ ang grupo nina Epi Quizon, Paolo Contis, Felix Roco, at Polo Ravales. Nagkakaroon siya ng kaalaman na dapat gawin ng isang nasa showbiz. Tulad ng ginagawa namin ni Donna, maganda sa showbiz itong makasasama nila ang mga young warrior ng showbiz. Talagang lumaban ang mga ito sa mga nai-encounter nilang problema. Hindi lang sa hardship na tinatawag, lahat naman sila may pinagdaanangh masasabi nating kapupulutan ng aral ng mga anak ko.”
If ever gagawing libro ang buhay ni Carlo J. Caparas palaging may highlight ang bawat kabanata. Palaging may controversial issues na ibinabato sa award-winning director. Hindi siya apektado sa mga negative write-ups na naglalabasan laban sa kanya. Katuwiran niya, “Sa akin, walang tigil ang highlights, walang tigil ang kontrobersiya, twin brothers ko na ‘yang mga kontrobersiya. Natutuwa naman ako, noong araw nire-resent ko ‘yan. Pero sa ngayon nakita ko, any critics, friends are all part of my success. Kung matatawag na success ang inabot ko, bahagi sila. Kung wala sila, wala ‘yung mga kontrobersiyang ‘yun, very dull o masyadong maputla ang takbo ng pamumuhay ko. Sa ngayon naman, palaging may hamon sa ‘yo parang palaging mayroon kang dapat patunayan. ‘Yan ang bumubuo sa akin, ‘yan ang nagiging driving force ko. In every controversy, isa siyang shot in the armed. Nabubuhay ako sa ganu’n, nag-i-enjoy kaya ‘yun ang p’wede kong ilagay.”
Kahit four years namahinga sa paggawa ng pelikula sina Carlo J. at Donna V., open arms silang sinalubong ng media na labis nilang ikinatuwa. “Enjoy na enjoy kaming magtrabaho sa showbiz. Inari na naming part ng existing namin ang pagbubuhay, paghahanap-buhay ang industriya. Siguro nababasa sa amin ng mga tao sa showbiz na puro welcome back ang maririnig mo at mararamdaman mo sa kanila. Si Donna ang pakiramdam niya ngayon, masaya dahil nakita uli namin ang mga kaibigan sa media.”
Kahit director lang si Carlo J. ng Angela Mercado, all support si Madam Donna sa promotion ng pelikula ni Mr. Sevilla (executive producer ng Oro De Siete Productions). ‘Yung movie at TV nila ni Carlo, next year na sila magsisimula. May follow-up project uli ang blockbuster director kay Mr. Sevilla thru Viva Films.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield