Direk Carlo J. Caparas, nagbabalik-pelikula sa remake ng Angela Markado

Carlo-CaparasPAGKATAPOS MAMAHINGA nang ilang taon ni Direk Carlo J. Caparas sa paggawa ng pelikula, muli itong magbabalik via movie remake ng Angela Markado na pinagbibidahan ni Andi Eigenmann at mapapanood na sa Dec. 2.

Kuwento nga ni Direk Carlo, “‘Di naman ako umalis kahit kailan sa pelikula eh, kaya hindi ako nagbabalik kundi nagre-reactivate. Habang nagpapahinga ako nang mahabang mga taon, patuloy namang pinag-aaralan ko kung ano pa ang mga puwede kong magawa sa industriya. Kung ano pa ang mga puwedeng maitulong ko sa mga tumatangkilik ng mga pelikulang Filipino.

“Nasisiyahan ako na nagkasama-sama uli kami sa ngayon. Wala naman akong planong huminto kapag nakapag-umpisa na. Sa teleserye naman, may negotiation kami ng Viva about Panday, Tasya Pantasya. May bagong Panday na kinuha ang Viva, malalaman ninyo rin,” pagtatapos ni Direk Carlo.

Korean-Red-GinsengInternational scholars present breakthrough findings on Korean Red Ginseng

 

PINANGUNAHAN NG Ms. World Organizer na si Ms. Cory Quirino kasama ang Walang Tulugan co-host na si Chelsea Starling at Eat Bulaga Spogify semi-finalist na si Ryan Paul Atienda ang ribbon-cutting ng KRG Product Showcase last Nov. 23 sa Robinson’s Place Manila, kung saan nagkaroon ng trade exhibit showcasing Korean Red Ginseng products and their health benefits at recent findings na nagsimula last Nov. 23 hangang 27, at nagsama-sama ang mga local and international Scientists , traders at medical consultants .

Sinundan naman ito ng isang presscon na ginanap sa New World Hotel with Hon. Antonion Aurelio (Mayor of Rizal, Laguna), medical consultants Dra. Imelda Ulep-Gavino and Dr. Charlie Mendez, Mr. Yoo Byung Gon (Deputy Director of Export and Marketing, Korea Agro-Fisheries and Food Trade Corporation) , Mr. Wong Shu Shin (President and CEO of Korean Red Ginseng Research Co. Ltd.), Mr. and Mrs. Lee Han Hook (D. Lizada KRG Corporation’s Korean counterpart/ import mediator), Mr . Roy De Torres (Vice President D. Lizada KRG Corporation), and Psalmstre CEO/ President Jaime Acosta.

Ibinahagi sa nasabing presscon ang health benefits ng Red Korean Ginseng para ma-prevent at magamot ang mga sakit related sa liver, Diabetes, Cancer, fatigue/ stress, blood pressure, radiation injury, debility due to old Age, inflammation, infertility,  atbp.

John’s Point
by John Fontanilla

Previous articleRhian Ramos, Nagdemand ng wine para magawa ang love scene!
Next articleAnjo Damiles, hanggang paghanga lang kay Julia Montes

No posts to display