NO OTHER choice or alternative si Direk Carlo J. Caparas sa magiging bida ng remake ng pelikulang Angela Markado na pinagbidahan ni Hilda Koronel noon kundi si Andi Eigenmann lang.
Kaya nga proud si Andi sa pagmamalaki ng may likha ng kuwento na during Hilda’s time; no less than Lino Brocka ang nag-direk ng pelikula.
Sa remake ng pelikula, puring-puri ni Direk Carlo si Andi na kahit gaano kaselan ang mga eksena nito, ginawa niya ang “gang rape” scene kahit magkandapasa-pasa siya.
Kilala internationally ang pelikulang Angela Markado at maging si Hilda Koronel nang dinala ito Brocka sa Cannes Film Festival durig the 80’s, kung saan nagwagi ito ng Grand Prix na naturang international film fest.
Sa laki ng pangangatawan ng mga rapist ni Andi sa movie namely Polo Ravales (na may problema sa kanyang pelvic dahil nagkaroon siya ng aksidente kamakailan), Paolo Contis, Felix Roco, Epi Quizon at ang anak nina Direk Carlo at Tita Donna Villa na si CJ Caparas na magpu-fulltime bilang isang actor, hindi maiiwasan na magkapasa-pasa si Andi na likha ng eksenang rape.
“It’s really difficult,” kuwento ni Andi noong magkaroon ng impromptu presscon para sa pelikula courtesy of PAO Chief Atty. Persida Acosta nang mag-imbita ang “Abogado ng Bayan” ng entertainment press para ibalita ang mga updates ng Public Attorney’s Office sa mga hinahawakan nilang mga kaso.
“I’m excited na mapanood ng tao ang movie but I’m scared sa magiging response nila,” sabi ni Andi.
The fact na hindi naman basta-basta pipitsuging artista si Hilda, malaki ang expections ng mga moviegoers.
Ayon kay Direk, ang rape scene ni Andi ay hindi lang kinunan nang isang araw. “More then one week namin kinunan kaya kawawa ang artista ko. Gusto kong maging iba ang klase ang rape ni Andi sa pelikula kumpara sa ibang mga rape scene na nagawa na ng ibang mga artista. Ang mahirap kasi sa gang rape, ang daming involved sa eksena. Siyempre iingatan ko rin ang bida ko,” kuwento ni Direk Carlo sa amin.
Reyted K
By RK VillaCorta