BOX-OFFICE DIRECTOR Cathy Garcia- Molina reunites box-office stars John Lloyd Cruz and Sarah Geronimo in her romantic- comedy movie series It Takes A Man And A Woman. Kahit may kilig factor ang movies ng batikang director, may pinagdaraanan din ang kanyang mga artista tulad ng character nina Laida at Miggy.
Say niya, “In every movie that we make, kasama ‘yung saya, kasama ‘yung problema. Whenever we do films with Sarah, medyo mahirap dahil with limitations involving Sarah. I told her, it’s never about you. Napakadaling katrabaho, napakabait. I think, you know about this kaya I’m willing to talk about it.”
Sinabi ni Direk Cathy, pareho nang nag-mature sina Sarah at Lloydie. Sarah and Lloydie medyo much higher than kung paano sila mag-usap. Siguro tumanda na rin sila. ‘Yung sinabi nila, parang private conversation, it’s really happened on my set. Dalawa silang nag-uusap, bigla nila akong tinawag. Sinabi ko kay Sarah, you don’t choose love. Love chooses you. Marami silang ganu’ng conversation.”
‘Yung character nina Laida at Miggy, malaki ang pagkakahawig nito sa personal na buhay nina Sarah at Lloydie, ayon kay Direk Cathy. “Sa movie, ipinakita ‘yung character ni Miggy, he has everything. Lloydie has everything and so it’s seems but at the end of the day what matters most is being a good man. He might be the best actor. He might be the sikat ngayon, but at the end of the day, ang minamahal natin kung sino ‘yung mabuting tao.”
Inamin ni Direk Cathy na mahirap para kina Lloydie at Sarah na maging sila kahit gustuhin man ng actor na ligawan ang Pop Princess. Hindi pa ready ang pamilya nitong makipag-relasyon ang kanilang anak. “Kaya nga ako bilib kay John Lloyd kasi, puwede naman niyang ipilit pero hindi, eh. Ang respeto niya kay Sarah ganu’n na lang, maghihintay siya.”
May mga pagkakataong naramdaman ni Direk Cathy na pinipigilan ni Sarah ‘yung nararamdaman niya para kay Lloydie, pero sinasarili na lang ng singer-actress. “Kasi ako bilang director, ang relationship ko sa artista, napapasok ko ang personal so, alam ko. Alam ko kung gaano kahirap kay Sarah na maging masunurin anak. At the same time, napagbibigyan ang hiling ng maraming tao. It’s very difficult, lahat tayo dumaan dito. ‘Yung sarili mo ba ang susundin mo o magulang mo ? “
Nauunawaan naman ni Direk Cathy ‘yung pain na pinagdaanan ni Sarah sa dalawa niyang past relationship. “Kasi, hindi naman puwedeng lumaki si Sarah na ma-shelter mo for all the pain. Ako, hindi rin makakatulong sa kanya. Baka tumanda siya hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ng pain. Now, that she’s experiencing it, she knows how to handle pain. Kapag hindi natutunan ni Sarah ‘yun ngayon, baka mahirapan siya paglaki niya. I’m not saying, mabuti nga nangyari ito sa kanya, pero nakakatulong sa kanya, nasasaktan, natututo so that she become a braver and better person. I always tell Sarah, you have your own time. Kaya mong maging mabuting anak and yet have your own life, have your own decision. And now, may nakikita akong mga ganu’ng changes. Nagagawa niyang masabi kay Mommy, gusto niya without disrespecting, rebellion. Ako, bilib ako sa batang ito, dito sa project na ito may nangyari that she was really… isang mahirap na desisyon. It’s between following what she want and following the parents. She chose to be a good daughter,” paliwanag ng box-office director. Kung siya nga lang daw ang masusunod, gusto niyang magkatuluyan in real life sina Sarah G. at John Lloyd.
“Why not? They look good together.” Ganu’n?
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield