WINNER SA BOX-OFFICE ang Miss You Like Crazy ni Direk Cathy Garcia-Molina, worth watching talaga! She guided John Lloyd Cruz and Bea Alonzo towards embracing an offbeat romantic tale that would touch on the wrong sides of love, such as mis-steps and infidelity.
Why all of a sudden, nagpa-skin head si Direk Cathy while doing the film? “Freedom to do what I want. Gusto ko, bago ako mamatay, madaanan ko lahat ng hair style. After nang mamatay ang asawa ko, alam ko kahit sino, anytime, anywhere kayang mawala. So, I would like to do lahat, naisipan ko lang. After that humaba na rin naman, although I know kung nandito siya papayagan din niya ako.”
Hindi naging madali para kay Direk Cathy na tanggapin ang pagpanaw ng kanyang kabiyak. “Trabaho, dinadaan ko sa trabaho ‘yung loneliness. May mga kaibigan kang puwede mong haltakin everytime you feel lonely and I have my kids. Si Lloydie, kahatakan ko ‘yan… akala nga niya may kinalaman siya sa pagpapagupit ko ng buhok nu’ng time na nagsho-shoot kami.”
Ilang eksena nina Bea at Lloydie ay totoong nangyari sa buhay ni Direk Cathy. “Yes, a part of me, sa dami na kasi ng pinagdaanan ko…” say niya. Maging ‘yung passionate kissing scene ng dalawa, mararamdaman mo there’s something inside them. “’Yun naman ang hiniling ko talaga, at ibinigay naman nu’g dalawa.”
Maging ang love scene nina Bea at Lloydie, kakaiba sa paningin namin. “Iba ang intensiyon kung bakit nagkaroon ng love scene. Hindi nila sinasadyang magkaroon ng love scene. Hindi sinasadyang gawin, it’s to much love to each other na kinikimkim.”
Na-experience kaya ni Direk Cathy ‘yung mga situwasyon nina Bea at John Lloyd kaya naging makatotohanan ang bawat eksena ng dalawa? “Masakit po, masakit na mapunta sa situwasyon na mayroon kang karelasyon, na may nakikita kang bago at lagi sa paningin ng tao… bawal. Ano ang tinatawag nating tama sa mata ng tao at sa mata ng Diyos? Ang maganda sa pelikula, hindi sila kasal. Hindi agad mali but ang theme, mali ba o tama? And I think, you wouldn’t want in that position na mamimili ka between two loves na equal value. Sino ang pipiliin mo, ‘yung mahabang karelasyon mo o ‘yung bagong kakilala mo lang? Pero ‘yung intensity ng pagmamahal mo pareho lang. Puwedeng mali o puwede mong pagsisihan.”
Sa sariling obserbasyon ni Direk Cathy, posible raw na magkagustuhan sina Bea at John Lloyd. “Yes, kung minsan kasi, kung masyado mo nang kilala ang isa’t isa… parang Close To You na pelikula. Isipin mo, would you lose ‘your friendship for love? Masyado silang okey na magkaibigan at kung minsan kapag nagiging kayo saka nagkakaroon ng pressure. At saka nagkakaroon ng bawal. Eh, ngayon walang bawal because they are friends. Hindi ba kapag nagiging-dyowa na kayo hindi na puwede ito? Kapag nag-away sa set, affected ‘yung trabaho, ‘di ba?
They look so good together. I would want to, but I don’t know… sila lang naman ang makapagsasabi n’yan. Kung minsan, ‘pag binubuyo mo, ayaw. Hayaan mo lang sila kapag nagkukuwentuhan…”
Kung sakaling ikaw si Bea at ligawan ka ni John Lloyd, okey lang? Pabirong tanong namin kay Direk Cathy. “Ako na lang talaga? Kung ayaw ni Bea kay Lloydie, ako na lang. Kaya lang, kukulog at kikidlat! Ha-Ha-Ha! Kung hindi lang ako matanda… joke po ‘yun!” Nagbibirong sagot ng box-office director.
Tuloy, nasabi namin kay Direk na kahawig niya si Kaye Abad (first girlfriend ni Lloydie). “Pati kulay pa nga po, nababanggit ni Lloydie ‘yun. Kaya lang, nauna niya akong nakilala bilang Nanay at Tatay so, parang incest naman po,” dugtong pa niya.
Do you think na mag-aasawa ka uli? “Opo, bakit naman hindi? Siyempre, sabi ng pamilya ng asawa ko, sana huwag na akong mag-asawa ulit. Mahirap, mahirap magpalaki ng pamilya… isang 4 years old at 3 years old, and in my absence, walang pumapalit, yaya lang. So, makatutulong siguro kung may isang magmamahal sa mga anak ko kung makakakita ako. Mahirap kasing may dalawa akong anak. Sabi nila, ‘pag pinagdasal mo, darating sa ‘yo, ganu’n. In God’s time, maybe may darating na kayang mahalin ang mga anak ko,” seryosong pahayag ni Direk Cathy Garcia-Molina.
AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield