May pakiusap si Direk Cathy Garcia Molina sa mga kumpanya ng produktong ini-endorse ng kanyang mga nagiging artista. Binanggit niya ang tungkol dito dahil tila namroblema siya sa syuting ng pelikula ni Liza Soberano at Enrique Gil na “My Ex and Whys”.
“Sa lahat ng products, sa lahat ng produkto na kumukuha ng mga artista bilang endorser, sana mapaabot natin sa kanila ‘yung pakiusap naming mga taga-pelikula at taga-TV na sana ihiwalay ang persona ng artista at ng mga karakter sa pelikula.
“Hirap na hirap po kami na mga manunulat at kaming creators. Ang daming bawal. Kaya po naka-wig ang mga artista ko lagi, eh. ‘Pag may shampoo commercial bawal pagupitan, bawal pakulayan, bawal pakulutin, bawal lahat.
“So, ano, sa lahat ng pelikula nila iisa lang ang look nila but they play on different characters? I am not… nakikiusap ako sa kanila na sana ihiwalay,” litanya niya.
Ipinagpapasalamat naman ng director na pinagtitiwalaang mag-endorse ang mga artistang nakatatrabaho.
“Ako,malaki ang pasasalamat ko sa mga produktong ito na kinukuha ang a mga artista – thank you very much po at naniniwala kayo sa kalidad nila. But precisely because you like them, because they’re good actors, sana ma-consider that they’re good actors, so therefore kailangan nilang magpo-portray ng iba’t ibang roles. So therefore, sana maihiwalay ‘yon,” paliwanag pa ni Direk Cathy.
Humirit pa ulit ang lady director at sinabing pigil na pigil ang creativity nila dahil sa mga ini-endorse na produkto ng mga bida ng pelikulang ginagawa niya.
“So, sana naman payagan kami, ‘yung mga ganu’ng kaliliit na bagay. Kasi, pigil na pigil po ang creativity naming lahat, dahil bawal lahat,” aniya.
La Boka
by Leo Bukas